Pagkalapag nila Kikay at Zeus sa Manila ay hindi mapigilan ni Kikay ay mapangiti. Iba pa rin talaga ang paliramdam na makauwi sa sariling bansa. Akalain bang sa loob ng kulang isang taon ay dalawang beses na siyang nakauwi ng Pilipinas. "Ayos ka lang ba, babe?" untag ni Zeus kay Kikay nang makitang bahagya itong natulos sa kinatatayuan. "Ha?!" kunwari ay gulat na turan ni Kikay nang untagin siya nito. Masyado yata siyang na-excite nakauwi at makita ang kaniyang magulang. "Sabi ko, ayos ka lang ba?" nakangiti nitong turan kaya napangiti na rin siya. "O–o, masaya lang ako," hindi ba niya napigilang sabihin. Muli itong ngumiti. "Same here, hindi ko aakalain na uuwi tayo upang magsabi sa magulang mo. My family will follow once they agreed," aniya kay Kikay saka ito inakbayan habang hinih