Nang maramdaman ni Zeus na nagwawala na ang kaniyang alaga ay siya na ang unang kumalas mula sa pagkakayakap kay Kikay. Batid na siya rin naman ang nahihirapan kaya siya na rin ang unang lumayo. "Do you want to go for a late shopping or we can buy some chocolate in the Duty Free shop?" tanong pa nito. Doon ay naalala ang kaniyang sinabi. "Baka sa Duty Free na lang," aniya. Medyo tinamad na kasi siyang umalis pa lalo pa at bukas na ang lipad nila. Na-excite tuloy siya sa isiping iyon. Tiyak na masusurpresa ang kaniyang Inay at Itay. Wala kasi siyamg binabanggit tungkol sa kanila ni Zeus. Maging ang mga kakambal ay hindi pa rin alam ang tungkol sa kanila ni Zeus. "Pagod ka ba?" concern na tinig nito. Mabilis siyang umiling. "Hindi naman, tingin ko naman ay kasya na iyon sa kanila," baw