Natatawa si Kikay habang pababa ng hagdan nang bigla siyang akbayan ni Zeus pagkababa nila. Itutulak sana ito pero biglang nag-iba ang isip ay in-enjoy na lamang ang masarap na pakiramdam sa akbay nito. Pagbungad nila sa dining table ay nakitang nakangiting sumalubong ang Mommy nito sa kanila maging ang Daddy nito. "You look good together," ani ng ginang. Agad siyang napalingon kay Zeus sa sinabing iyon ng ina nito. Ngunit tila walang reaksyon dito at ipinaghila siya ng upuan nito. Pansin ni Zeus ang paglingon ni Kikay aa kaniya ngunit umakto siyang hindi narinig ang parunggit ng ina. Hindi naman aakalaing sisimulan pala nito ang sinasabi nitong back-up sa panliligaw niya kay Kikay. "Ah, hija alam kong guwapo ang anak ko pero hinay-hinay lang sa pagtitig dahil baka matunaw siya sa mga