Gustuhin mang bumangon mula sa pagkakadapa sa ibabaw ni Zeus ay hindi magawa lalo pa at pinulupot nito ang mga bisig sa baywang. "Kath, I love you," paanas na turan. Kung noon ay I like you lamang ang nasasabi rito ngayon ay may kumpirmasyon na ang kaniyang sinabi. Mahal niya ito at hindi na niya kayang pigilan pa. Iyon ang salitang matagal na hinihintay ni Kikay pero tila kay ilap pero ngayong nanulas na sa bibig ni Zeus ay parang naumid naman ang bibig at ayaw tugunin ang sinabi nito. "I love you," ulit nito na hawak na nito ang baba. Tuon ang mga mata nito sa kaniyang mga mata, gusto mang ibaling sa iba pero hindi magawa dahil bukod sa hawak nito ang baba ay tila may magneto ang tingin nito. "Zeus," anas niya na matiim na nakatitig sa abuhing mata nito. Nakailang lunok pa siya dahil