Mabilis niyang hinila si Zeus dahil may balak pa yata siyang makipagtitigan sa ama. "Dali na," aniya rito. "Bago pa magbago ang isip ni Papa," dagdag pa kay Zeus. Ngunit nananatili itong tahimik. "Okay ka lang ba?" Hindi mapigilang kabahan dahil baka kasi magbago ang isip nito at hindi na sila tumuloy sa kanilang lakad. "Y-yes, I'm good," mabilis namang tugon ni Zeus saka napangiti. "Mabuti naman, akala ko kasi mukhang nabahag ang buntot mo," bulong na wika. "What did you say?" maang na turan kay Kikay nang makitang may binubulong-bulong ito. "Wala, sabi ko buti hindi ka natakot kay Papa," malakas na turan dito. "Bakit parang may narinig aking buntot?" "Meron ba? Sabi ko, bakit hindi tayo pumasok aa loob ng sasakyan mo bago pa ako bumantot. Ang init!" pagkakaila saka mabilis na b