"Ahhhh!" tili niya matapos mag-sink in sa isipan kung sino ang taong nakikita niyang naghihintay sa kaniya sa kaniyang silid. "Ahhhhh!" malakas ding tili ng isang matinis na tinig sa may pintuhan niya na nagpatigil sa akma sanang pagbabalik sa banyo bago pa siya mabusuhan ng boss. "Anong sinagawa niya rito?" gagad sa kapatid na noon ay kapapasok lang sa silid niya. "Well, sabi ay gusto ka raw makausap kaya sabi ko ay pumasok na kasi akala ko ay handa ka na?" anito na noon ay pusturang-pustura. Bigla tuloy siyang nainggit sa kapatid. Bagay na bagay kasi nito ang suot na dress lalo pa at kumikinang ang relong binigay kanina ng kasintahan nito. "Anong handa? Sa dami ng pinagawa mo sa akin at hindi ba ikaw ang magbibihis sa akin?" maang na tanong dito at talagang kipkip ang tuwalyang nalap