Mabilis na nagbawi ng tingin si Kikay sabay bitiw sa pagkakahawak nito sa braso ni Zeus nang bigla nitong hapitin ang kaniyang baywang. Nabigla man siya sa ginawa nito pero hindi niya nagawang itulak man lang ito. Mainit ang palad na nakapulupot sa kaniyang baywang. Hindi tuloy niya maiwasang kiligin sa simpleng ginawang iyon ni Zeus. Para na kasing magkasintahan sa ayos nila habang patungo sa likod bahay nila nang maya-maya ay tumikhim sa likuran nila. "Ahemmm!" malakas na tikhim ang pumukaw sa kanilang pansin. Sa pagkakataong iyon ay mabilis na binawi ni Zeus ang kamay na nakapulupot sa kaniyang baywang. "Ahemmm! Ahemmmm! Ahemm!" sunod-sunod na tikhim ng ina nang malingunan nila ito. Napabaling siya kay Zeus at nakitang pormal ang mukha nito. "Anong ibig sabihin nito?" seryoso ring t