Chapter 26:

1652 Words
Tila nawala ang panlalamig niya nang maramdaman ang paglapit ng boss sa kaniyang likuran. "S-Sir?" aniya na hindi malaman kung bakit siya nailang sa paglapit nito. Ramdam ni Zeus na medyo nailang si Kikay sa kaniyang paglapit. Kanina pa kasi niya pinipigilan ang sariling huwag itong lapitan dahil baka kung ano pa ang magawa rito. Ngunit hindi nakayanan at mabilis itong nilapitan. Kita pa ang makailang ulit na paglunok ni Kikay. "Are you okay?" untag dito. Mabilis itong tumitig sa kaniya. "Ha-ah, oo naman," agad na sambit ni Kikay. Talagang naiilang siya sa paglapit ng boss lalo pa at tila iba ang pakiramdam sa sandaling iyon. Napalitan kasi ng init, ang lamig na naramdaman kaninang pag-ahon nila sa batis. "Are you sure?" ani pa ni Zeus sabay hawak sa balikat niya na halos kinatalon niya. Para kasi siyang nakuryente sa bahagyang pagdampi ng kanilang mga balat. Maging si Zeus ay nagulat sa naramdaman sa pagkakalapat ng kanilang balat. Nagtama ang kanilang mga mata at kapwa hindi nakakilos. "Hmmmp! Sir, papadilim na. Baka hinahanap na tayo nila Inay," iwas na turan ni Kikay saka nagpatiunang muli sa paglakad. Pagkatalikod niya ay hindi naiwasang mapangiti. 'Naku, Sir. Alam kong maganda ako pero hindi ako makukuha sa mga titig mo,' aniya sa sarili at napangisi. "Kikay?" dinig na tawag nito kaya napatigil siya. 'Sir, pigilan mo iyan,' aniya pa nangingiti. Mabilis na naging pormal saka humarap dito. "Bak-" putol na sambit nang biglang sumumsob ang mukha sa malapad nitong dibdib. 'Diyos ko, pigilan mo po ako,' dasal niya dahil baka hindi mapigilan ang sarili at mayakap ang boss. "Ops! Sorry, nasaktan ba kita?" mabilis na tanong ni Zeus kay Kikay na nakahawak sa noo nito. Dahil sa six-footer siya habang ito naman ay limang talampakan at dalawang pulgada lamang kaya sumadsad ang mukha nito sa kaniyang dibdib. Hindi naman niya aakalaing, hihinto ito agad. Tinawag lang naman ito dahil masyado itong mabilis maglakad at natatakot siyang baka ito ay madapa. Lalo na at sa pilapil sila naglalakad. "H-hindi naman, may sasabihin ka ba?" "Wala naman-" "What?!" gilalas ni Kikay dito. "Tinawag mo ako at sumadsad pa ang mukha ko sa dibdib mo tapos wala ka palang sasabihin?" bulalas nitong wika. Napangiti na lamang si Zeus nang makita ang nakapamaywang na si Kikay na namimilog ang mga mata. Ang cute nito tuloy tignan. 'Impaktong ito, nakangisi pa!' inis na wika ni Kikay sa sarili ng makita na tila tuwang-tuwa pa ang boss kapag nagagalit siya. "May nakakatawa ba, Sir?" tanong dito. Nabigla si Zeus. Mukhang nakita pa yata ni Kikay na nakangiti siya. "Wala naman," aniya na mabilis na nagpormal ng mukha saka mabilis na naglakad. Naiwang natitigilan si Kikay saka mabilis na tinawag ang boss ngunit hindi ito nalingon. 'Aba! Iniisip pa yatang gaganti ako ah,' aniya sa isip saka mabilis na tinawag ito. "Zeus!" tawag dito. "Hoy!" Medyo malayo-layo na siya kay Kikay na tumatawag sa kaniya. Kanina pa pinapakiramdaman kung nasunod ito kaya nang mapagtantong papalayo ng papalayo ang tinig nito ay nilingon na niya ito. Nabaghan dahil hindi ito nasunod sa kaniya. "Tara na, baka hinahanap ka na ng Inay mo," aniya rito na kinangisi nito. Malayo man siya ay nakita niya ang maganda nitong mukha. "Oo, Sir. Pero hindi diyan ang pauwi sa amin," may kalakasang saad nito. "Papunta po iyan sa kabilang baryo, dito po ang amin," turo sa kabilang direksyon. Napatapik na lamang siya ng noo. Inakalang doon kasi dahil may natanaw na siyang mga bahayan. Kaya pala siya tinatawag nito hindi upang gantihan kundi dahil sa ibang direksyon na siya napunta. Natatawa na lamang si Kikay na nagpatiunan muli ng lakad. Hindi nga siya nagkamali dahil pabungad pa lamang sila sa unang bahay na madadaanan nila ay kita na ang ina. "Akala namin, kung saan na kayo nagpunta? Halos masuyod na namin ng Itay mo ang buong baryo," anito. Ganoon ang ina sa tuwing hinahanap siya nito lalo na kapag sumapit ng gabihan. "Inay, ikaw kaya nagsabing igala ko itong si Sir Zeus," aniya sa ina. "Alam ko, pero hindi ko sinabing gabihin kayo? Akala namin ay umalis ka na lamang ng walang paalam?" saad ng ina na puno ng pag-aalala sa tinig. "Inay talaga, kung anu-ano ang iniisip. Hindi ko po kayo iiwan ni Itay," aniya rito. "Pasensiya ka na anak, mula kasi ng malaman mo ang katototohanan sa pagkatao mo ay hindi maialis sa akin na baka bigla mo kaming iwan," malungkot na wika ng ina. "Inay," malungkot din niyang wika saka lumapit dito. "What? Anong katotohanan tungkol sa pagkatao ni Kikay?" sambulat ni Aling Goring na nasa may tindahan pala sa kalapit. Napatigil ang inang si Lumen sa pakikiusyuso ng best friend nito sa mahjong-an. "Hay, naku, Goring! Tsismosa ka pa rin," pasaring ng ina. Imbes na magalit ang kausap nito ay natawa pa. "Ano bang katotohanan tungkol kay Kikay? Iyon bang may forenjer daw siyang kasama?" gilalas nito sabay baling kila Kikay at Zeus. "Hay, naku, Goring. Pati ikaw ay natanso, anong forenjer ka diyan. Foreigner iyon at FYI, hindi foreigner itong kasama ng anak ko," ani ng ina. 'Aba, mukhang natututo si Inay kay Maring Google ah, may pa-FYI pang nalalaman,' aniya sa isipan habang nakikinig sa usapan ng dalawa. "Sige nga, hijo. Magsalita ka ng Tagalog," himok ng ina kay Zeus. Napabaling siya kay Zeus at nakitang naguguluhan. Ngunit agad na tumalima dahil ayaw nitong mapahiya ang kaniyang ina. "Kumusta po kayo?" matatas na wika sa Ale na noon ay nanlalaki ang mga mata. "Bakit po mukhang gulat na gulat po kayo?" ani pa rito. Doon ay biglang humagalpak ang Ale "Aba, mukhang hindi ka masyadong mahihirapan sa magiging manugang mo, Lumen," anito. "Boss lang siya ng anak ko," giit ng ina rito. "Weh! Hindi nga, bakit may pa-holding hands," anito. Maging si Kikay ay nabigla. Hindi niya inaasahang hawak pala ang palad ng boss kaya mabilis na binitawan iyon. Kita ang mapanuring tingin ng ina ngunit naagaw ng pansin nila ang paparating na si Segundo at ang kaniyang ama. "Kikay, my love. Buti naman at nahanap ka na namin, malapit na akong magpunta sa police station," bulalas ni Segundo. "Hindi mo kami nahanap kasi hindi naman ako nawala. Huwag mo rin akong tawaging my loves dahil hindi naman tayo!" mariing wika kay Segundo na napakamot ng ulo. "Saan ba kayo galing, anak?! Aba, pinag-alala mo kami," tinig naman ng ama. "Sorry po, Itay. Nagpunta lamang po kami ni Sir Zeus sa batis," aniya sa ama. Mapanuri ang tingin nito sa kanilang dalawa dahilan para mapabaling din ang tingin sa boss. Pormal lang ang mukha nito. 'Ang guwapo kahit ang seryoso ng mukha,' aniya sa isipan habang nakatingin dito. Nababaghan si Zeus sa reaksyon ni Kikay. Nakadalawang untag na kasi ang ina nito na umuwi na sila pero hindi pa rin ito natitinag at nakangising nakatingin pa rin sa kaniya. "Kikay?!" malakas na tawag ng inay nito. "Ay! Kikay!" malakas na sambit sa kawalan. "Ako ba iyon, Inay?" tanong dito sa kabiglaan. "Bakit, ano pa nga ba sa tingin mo? Ikaw lang naman ang nag-iisang Kikay dito," ani ng ina. Napangisi na lamang siya sa ina saka mabilis na umakbay rito. "Sorry, Inay kung pinag-alala ko po kayo. Hindi ba po mauulit," bulong sa ina. "Talagang hindi na mauulit dahil baka makurot na kita sa singit!" anito na kinatawa niya. "Inay naman eh, hindi na po ako bata," aniya rito. "Oo nga, dalaga na ang anak ko. Mukhang may gusto ka sa boss mo ah," deretsahang panghuhuli ng ina sa kaniya. "Inay, baka marinig ka," mahinang saway sa ina na kinatawa pa nito. "Naku, dalaga na talaga ang Kikay namin," anito na nagsimulang suminghot-singhot pa. "Naku, Inay talaga. Huwag mong sabihing dadaigin mo si Nora Aunor?" aniya rito. "Judy Anne Santos ito noh," hirit pa nito. Halos umikot ang mata sa sinabing iyon ng ina. Kita ni Zeus ang pag-akbay ni Kikay sa ina nito. Hanggang sa makitang matiim na nakatitig si Segundo sa kaniya na tila ba may nais sabihin. Nang humakbang siya pasunod sa mag-ina ay nakitang sinundan siya ng tingin nito. "Pssst!" dinig buhat dito kaya napalingon siya. "Pwede ba tayong mag-usap?" anito. Tumitig siya rito at nakitang mukhang seryoso naman ito. "Anong pag-uusapan natin?" seryosong tanong sa lalaki. "Tungkol sa atin?" "Sa atin?" maang niya. "I mean kay Kikay," anito. "What about, Kikay?" maang na sambit nang makitang bahagyang napatuwid ito ng tayo. "Alam kong gusto mo siya. Lalaki ako, Pare kaya alam kong gusto mo siya sa klase pa lang ng titig mo sa kaniya," dinig na wika nito. Ngunit hindi siya sumabad o nagsalita sa sinabi nito. Muli silang nagtitigan nito. Nauna itong nag-iwas ng tingin. "Ipapaubaya ko na siya sa'yo, alam kong mas kaya mong ibigay ang buhay na nararapat kay Kikay," anito. Bahagya siyang natuwa sa sinabi nito ngunit hindi pa rin siya nagsasalita. "Wala ka bang sasabihin?" maya-maya ay tanong nito. Ngumiti siya rito. "Wala, saan nga ulit ang daan pauwi kina Kikay?" tanong dito. Wala na kasi ang mag-ina at ang ama naman nito ay nagpunta pa sa may manukan nito. Napakamot na lamang si Segundo. Kaya naman pala walang reaksyon man lang sa lalaking kausap ay mas inaalala nito ang pag-uwi kila Kikay. "Sumakay ka na at ihahatid kita," alok ni Segundo sa kaniya. Naiiling siyang papasok siya sa loob ng side car nito. Ngunit bago pumasok sa loob ay binalingan ito. "Salamat, Pare. Don't worry, ibibigay ko ang lahat kay Kikay," aniya rito bagay ba kinangiti na lamang nito. Galing iyon sa puso niya, hindi niya alam kung bakit nasabi iyon pero gusto niyang ibigay rito ang lahat-lahat. Maayos naman pala itong kausap kung hindi ito lasing. Tiyak na may tamang babae para rito at hindi si Kikay iyon dahil sa kaniya lamang si Kikay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD