Chapter 37:

1562 Words
Pagpasok ni Zeus sa loob ng CR ay napatingin sa kaniya ang dalawang lalaking naroroon. Bakas sa mukha ang pagpipigil na matawa nang makita ang kaniyang hitsura. Mabilis na tinungo ang salamin at maging siya ay gustong matawa na lamang sa hitsura na gawa ni Kikay. Wala na siyang nagawa kundi ang umiling na lamang. Mabilis na hinugasan ang mukha. Hirap na hirap siyang tinanggal ang ginuhit ni Kikay sa mukha. Gustuhin mang magalit ng todo sa kahihiyang sinapit pero kapag nakikita ang magandang mukha ni Kikay ay tila napipipilan siya. Mga trenta minutos na yata siya sa loob ng banyo. Marami nang dumating at umalis pero medyo hirap talaga siyang burahin ang sungay na nilagay ni Kikay sa kaniya. Kinakabahan na si Kikay, nakailang tao na kasi ang pumasok at lumabas sa banyong panlalaki pero wala pa ring Zeus na lumalabas. "Kasalanan mo ito eh, kung anu-ano kasing ginagawa mo!" sermon sa sarili sa inis. Mas lalong babahala ng kalahating oras na pero hindi pa rin ito nalabas. 'Huwag naman, Lord. Wala akong pera,' dasal sa isipan. Mayroon naman siyang pera pero hindi alam kung kakasya hanggang sa kanilang bahay. Baka pati pabaon ng inang kakanin ay maibenta para lang makauwi ss Cavite. Tinalasan pa lalo ang mga mata ngunit wala pa ring Zeus na nalabas. Nagbabalak na talaga siyang pasukin ang banyong panlalaki. 'Kapag wala pa siya pagkatapos ng pagbibilang ko ay papasukin ko na,' aniya sa sarili dahil mukhang wala naman ng tao sa loob dahil ang huling pumasok ay lumabas na. "Isa, dalawa, tatlo!" bilang niya saka naghandang papasok na. 'Saglit lang naman ako, sisilip lang,' aniya sa isipan. Inayos muna ang may kabigatang bag saka tinungo ang banyo ngunit hindi pa man niya naihahakbang ang mga paa papaloob ay may sumutsot sa kaniya. Awtomatikong napalingon siya rito at nakita ang lalaking guard ng kinaroroonang bus terminal. "Miss sa kabila po ang pambabae," anito sabay tingin sa kaniya ng security guard. "Alam ko-" "Alam mo naman po pala, Ma'am? Eh, bakit napasok pa rin kayo diyan? May balak po ba kayo," anito na may ngisi sa labi. 'Aba! Antipatikong lalaking ito ah,' aniya sa isipan. Tatalakan sana ito nang biglang may tumawag dito dahilan upang mabaling ang atensyon nito sa kasamahan nitong natawag. "Diaz!" tinig ng kabaro nito. Agad na umalis ng security guard na sumita sa kaniya. Akma ulit na papasok pero may dumating na dalawang binatilyo na naghaharutang papasok sa banyo. Naantala tuloy ang balak na pagpasok. "Ah! Hihintayin ko na lamang na lumabas ang dalawa," aniya sa sarili. Saka hinintay ang dalawang binatilyong kapapasok pa lamang. Dinig pa ang harutan ng dalawang binatilyo buhat sa loob na tila silang dalawa lamang ang naroroon. Mas lalo tuloy siyang kinabahan. Nang makitang lumabas ang dalawang binatilyong pumasok ay naglakas-loob na siyang magtanong dito. "Ahemmmm!" Malakas na tikhim upang pukawin ang pansin ng mga ito. "Ahemmm!" Sinundan pa iyon dahil mukhang masyadong abala ang dalawang binatilyo sa usapan nila. Doon ay napatigil ang mga ito at lumingon sa kaniya. "Ate, wala po kaming barya," agad na wika ng binatilyong isa. Napakunot-noo siya. "Barya?" maang niya. "Mukha ba akong pulubi para mamalimos?" hindi napigilang sabad sa binatilyo. Bahagya pang sinipat ang sarili ngunit maayos naman ang suot niya. Nagtinginan ang dalawang binatilyo saka binalik ang tingin sa kaniya. "Hindi naman po, Ate. Mukha lang po kasi kayo, iyong mga naakyat sa mga bus mga nagbibigay ng salita ng Diyos tapos kalaunan ay magbibigay ng sobre," tugon ng mga ito. "Opo, Ate. Mukha ngang halos hindi magusot ang palda ninyo at ang inyong blusa," nangingiting turan ng isa pa. Napasipat muli siya sa sarili. Batid na kasi niya ang mga tinutukoy ng mga ito. Kung sa mga dyip ay mga batang Badjao ang naakyat sa mga bus naman ay may mga kongregasyon ng ilang sekta ang napasok upang magbigay ng salita ng Diyos. Napapailing na lamang siya. Mukha bang siyang santo sa suot. 'Gaga, may santo bang ginuhitan ng sungay ang mukha ng boss,' ani ng isipan. Sa isiping iyon ay naalala ang totoong pakay sa dalawang binatilyo. Aalis na sana ang mga ito nang muling tumikhim. "Ahemmm! Hindi ako mamamalimos o anu pa man. Tatanungin ko lang kung may nakita ba kayong lalaki sa loob?" tanong sa mga ito. Maya-maya ay nakitang nagtinginan ang mga ito. "Wala naman po akong napan-" putol na turan nito nang agad siyang siyang sumabad. "Wala kayong nakitang lalaki? Maputi siya, matangkad, mga ganito kataas," aniyang muwestra sabay taas ng kamay. "Maganda ang pangangatawan, matangos ang ilong-" putol na turan habang binibigay sa mga ito ang description ni Zeus. "In short, guwapo ba Ate?" ani ng isang binatilyo. "Ah, hmmm!" alangan siyang tugunin ang sinabi ng binatilyo ngunit nagbigay iyon ng pag-asa sa kaniya. "Oo," simpleng tugon sa mga ito. "Nakita mo ba?" "Ah, guwapo pala," napanudyong saad ng dalawang binatilyo. Saka mabilis na umiling ang dalawa. "Hindi po," tugon pa. Muli ay binalot ng kaba ang dibdib. Mukhang nainis ang boss at iniwan siyang mag-isa. "Are you sure?" hindi mapigilang bulalas sa dalawang binatilyo na kinatingin nila. May paghihinalang tingin sa kaniya. "Sure na sure na," sabayang tugon ng dalawang binatilyo saka natatawa na lamang. Nanlulumo siya. Mukhang iniwanan na nga siya ng boss. 'Iyan kasi, masyado kang sutil! Iniwan ka tuloy,' sermon sa sarili sa kaniyang ginawa nang maya-maya ay nakaramdam siya ng paglapit ng kung sinuman sa tabi. Pag-angat ng mukha ay nakita ang guwapong mukha ng boss. Hindi tuloy niya napigilang matuwa nang makita ito at sa labis na galak ay hindi napigilang mapayakap dito. Naiiling na lamang si Zeus sa reaksyon ni Kikay lalo pa at naalala ang description na binigay nito sa dalawang binatilyo. Aminado siyang natagalan sa loob ng banyo dahil nahirapan siyang tanggalin ang tinta ng pentle pen sa mukha. Hindi naman niya lubos akalain na sa labas pala ay nag-aalala na si Kikay. Nang pumasok ang dalawang binatilyo ay hindi siya napansin ng mga ito dahil panay ang asaran ng dalawa. Tungkol sa mga crush nila. Maging siya ay natatawa sa mga asaran ng mga ito sa isa't isa. Ganoon din kasi silang tatlo noon nina Xian at Joe. Paglabas ng dalawa ay tapos na siya kaya mabilis na tinuyo ang mukha. Paglabas ay nakitang kausap ni Kikay ang dalawang binatilyo. "Maganda ang pangangatawan, matangos ang ilong-" putol na turan ni Kikay. "In short, guwapo ba Ate," ang sabad ng binatilyo rito. Kitang hindi agad nakasagot si Kikay sa turan ng kausap. Ewan ba niya pero gusto niyang marinig ang tugon ni Kikay sa sinabi ng binatilyo. Bakas ang pag-aalinlangan sa mukha nito at mukhang wala itong balak tumugon kaya nagpasya na siyang lapitan ito pero ilang metro lamang ang layo ay narinig ang pagtugon nito. Napahinto siya saka napangiti. Para tuloy siyang binatilyo na nasabihan ng crush na guwapo siya sa kaniyang reaksyon. Grabe, hindi napigilan pa ni Kikay ang mapayakap sa boss nang makita ito. Matapos noon ay nahihiya siyang kumalas sa pagkakayakap dito. "Sorry," agad na turan. Napangiti na lamang si Zeus bagay na nakita ni Kikay. "Bakit kasi ang tagal mo sa loob?" hindi mapigilang turan kay Zeus. "Paano naman ay ang tagal ding mabura ang guhit mo sa mukha ko. Look, namula pa!" aniya at nakitang muli guilt sa mukha nito. "Sorry," anito sabay taas ng peace sign sa daliri nito. Nagpa-cute pa talaga si Kikay sa boss. Sa totoo lang ay kinabahan talaga siya kanina. Akala talaga niya ay iniwan na siya nito sa inis sa kaniyang ginawa. "Let's go," aniya saka nagpatiunang naglakad. Nang makitang iiwan siya ng boss ay mabilis na binitbit ang bag kahit may kabigatan dahil sa pabaong kakanin ng magulang. "Wait! Wait, bossing!" pigil niya kay Zeus. Mabilis na humarap si Zeus kay Kikay at kitang hirap na hirap ito sa bag nito. Napangiti si Kikay nang tila naawa naman ang boss sa kaniya. Lalo pang tumamis ang ngiti nang lumapit ito sa kaniya. 'Yes, mukhang tutulungan ako,' bunyi sa isipan. Pansin ni Zeus ang ngiti sa labi ni Kikay. Lalo itong gumanda sa pagkakangiti nito pero hindi siya nadadala sa pagpapa-cute nito. She needs to learn. Agad siyang lumapit dito. "Mabigat ba?" aniya. Agad siyang tumango-tango. Napangiti rin si Zeus. "Pwes, buhatin mo," aniya saka tinalikuran ito at naglakad papalayo. Napangiti siya pagkatalikod kay Kikay. Kita kasi siya ang pagkadismaya sa mukha nito sa narinig na sinabi niya. "Antipatiko!" gilalas nito at hirap na hirap na binuhat ang dalang bag. Natatawa na lamang si Zeus nang marinig ang sinabi ni Kikay. Hingal na hingal na si Kikay pagkalabas nila ng terminal. Tila pa kasi nananadya si Zeus at sa pinakamalayong terminal pa ng dyip sila pumunta tapos magta-taxi rin naman sila. Ibubuka pa lamang sana ang bibig upang sermunan ito pero naunahan siya nito. "Get in," anito saka mabilis na pumasok sa tabilang pintuhan. "Napaka-ungentleman naman," dinig na parunggit ni Kikay dahil matapos niyang ilagay ang bag nito sa trunk ng taxi ay hindi na ito pinagbuksan pa. Puro irap ang ginawa ni Kikay sa kaniya sa loob ng taxi. Natatawa na lamang siya. "Naku, Sir. Mukhang inis sa'yo si Misis ah," puna ng driver. Natawa si Zeus. "Ganiyan talaga, Kuya kapag naglilihi," tugon niya sabay tawa nang biglang mapatingin sa gawi ni Kikay na nagngingitngit sa inis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD