"Ay sinabi mo pa, Sir," natatawang turan ng driver. "Ganiyan din noon ang Misis ko noong pinagbubuntis ang panganay namin," kuwento pa ng driver kay Zeus. "Talaga po ba?" pangangatong pa ni Zeus. "Oo, Sir. Buti nga at hindi ka pa pinapaakyat ng puno sa gitna ng gabi," saad nito. Natawa si Zeus sa kuwento ng driver. Naisip na baka nga mas malala pa si Kikay. Baka hindi lang siya maakyatin ng puno kundi pagapangin pataas-pababa sa hagdan. "Herodes na ito, tawa pa nang tawa!" inis na bulong ni Kikay sa sarili bagay na narinig ni Zeus. Mas lalo tuloy naganahan si Zeus na inisin si Kikay. "Naku, tiyak namang hindi iyan ipagagawa nitong asawa ko dahil mahal na mahal ako niyan, 'di ba mahal?" diga kay Kikay na kita ang panlalaki pa ng mga mata sa mga sinabi niya. "Hindi ba?" untag pa rin ni