Malayo man at mahaba ang biyahe ay nakarating din sila. Saktong papadili na nang dumating sila at idagdag pang bumuhos ang ulan nang makarating sila sa bahay ng kanilang Lolo at Lola. Mabuti na lamang pala at tila alam na alam na ni Althea ang kalakaran sa bahay na iyon na kahit tila walang tao ay nagawa nitong buksan ang bahay ngunit nabigla sila nang saktong pagpasok ay siyang labas ni Panyang na tila kapapaligo pa lamang nito. "Ahhhhh!" malakas nitong tili sa gulat. "Ahhhh!" sabayang tili nila Kikay at Althea upang asarin si Panyang lalo. Dahilan para magkumahog na lumabas mula sa kung saan si Xian na sinusuot pa nito ang damit dahil sumunod siya agad kay Panyang matapos itong makaligo bago pa sila magkasakit gawa ng pagkakabasa sa tubig ulan. "Kikay?! Althea?!" gilalas nito nang m