Hindi inaasahan ni Zeus na mag-e-enjoy siya sa short trip nila sa Romblon. Tuwang-tuwa habang naalala kung paano siya pinalusong ni Kikay sa putikan upang magtanim ng palay. May ilang ektarya kasing sakahan ang lolo't lola ng mga ito. Ngunit mas malawak ang lupang natamnan ng manga at gulayan. "Ano na namang nakakatawa ang naiisip mo?!" gagad ni Kikay sa kaniya nang mabalingan siya nito. "Wala," mabilis na kailan dito. "Wala daw?" mapanghinalang wika nito. "Wala pa ba sila?" sunod pang tanong na tila na-boring na ito sa kahihintay sa kaniyang magulang na lumabas sa paliparan. "Gutom ka na ba?" tanong dito. Dahil dalawa lang naman ang rason kung bakit sumasama ang mukha nito. It's either, gutom o natatae. Awtomatikong napakunot ang noo ni Kikay nang marinig ang tanong ni Zeus sa kaniy