"How about yours?" anito na tila ini-engganyo siyang magkuwento. "Sige na, magkuwento ka na?" anito na umayos ng upo sa ibabaw ng kama. Tutal ay tapos naman siya kaya lumapit siya rito at umupo sa tabi. "Well, pangarap ko talagang pumunta sa Amerika kaya nang may makita ako sa isang diyaryo ay agad akong nag-apply. Awa ng Diyos ay nakarating naman ako ng matiwasay. Gaya ng sabi ni Sir Zeus kanina ay inakala ko talagang bata ang aking aalagaan. Nang tawagan kasi ako ng kaniyang Mama ay sinabing matigas daw ang ulo ng batang iyon. Kaya naisip kong bata as in nasa 7-12 years old. Kaya nang puntahan namin siya sa room niya at nakakumot ay hindi ko talaga kita ang buong mukha o katawan. Naisip kong bulagahin siya kaya sinuot ko ang dala kong maskara, sabay bulaga sa kaniya," mahabang kuwento s