Chapter 54:

1628 Words

Matapos siyang ikondisyon ng kapatid ay bumaba na rin siya. "Kaya ko ito," pangungumbinse sa sarili habang bumababa sa mahabang hagdan. Pagdating sa kusina ay agad siyang napansin ng ina. "Oh, bakit hindi mo pa sinama si Kikay, baka mamaya ay nahihiya pa ang kapatid mo?" gagad na turan nito. "Sabi naman po ay mauna na ako, Ma. Siguro nga ay nahihiya pa siya," saad naman dito. Nakitang nakatingin din sa kaniya ang ama ngunit muling binalik ang tingin sa binabasang diyaryo. "Kaya nga dapat ay mas lalong hinikayat mo siya," giit ng ina. "Ginawa ko naman, Ma. Kaya lang ay ayaw talaga niya," turan pa rito at nakitang binitawan nito ang hawak na sandok. "Naku! Tiyak na nahihiya pa siya, dapat ay hindi na dahil pamilya niya tayo. Hindi iyon maikakaila dahil kamukhang-kamukha mo siya," rinig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD