Konti lamang ang kinain ni Zeus dahil tila nawalan rin siya ng gana nang umalis si Kikay. Lulugo-lugong bumalik sa hotel room saka binagsak ang katawan sa kama. Napatitig siya sa kesame at ilang sandali rin siyang nakatulala hanggang manglaro sa balintataw ang nakangiting mukha ni Kikay. Para siyang napangiti habang nakatitig sa kesame nang bigla siyang gulantangin ng pagtunog ng kaniyang cellphone. Mabilis siyang napabalikwas sa pagkakahiga at hinanap kung saan nilapag ang cellphone. Umasam ang puso na sana ay si Kikay ang natawag ngunit laking panghihinayang nang makitang ang kaibigang si Joe ang natawag. Batid niyang aalaskahin lamang siya nito. "Hello," matamlay na tugon. "Hey! Mukhang malungkot ang boses ng kaibigan ko ah? Are you alright?" tanong nito. "I'm good, malapit na kasi