Isang araw bago ang takdang araw ay halos hindi magkanda mayaw ang mga magkakapatid. Nasasabik sa araw ng kanilang pag-iisang dibdib sa lalaking nilaan para sa kanila. "Anak, ayos ka lang ba?" untag ng Inay Lumen niya habang nasa silid. "Kailangan mong magpahinga para bukas," paaalala nito. Tumingin siya rito hanggang sa sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. "Salamat, Inay," aniya na kinatigil din nito at tumingin na rin sa kaniya ng tuluyan. "Salamat, saan?" "Sa lahat, sa lahat ng pagmamahal, pag-aalaga at pag-iintindi sa akin," madamdaming turan dito. Napangiti ito at lumapit sa kinauupuan. "Bilang ina ay tungkulin kong ibigay ang lahat ng iyon. Ikaw ang katuparan ng pangarap namin ng Itay Karyo mo. Salamat sa malawak mong pag-iintindi at nagawa mo kaming patawarin sa aming pagkakam