2 Months Later Matapos ng dalawang buwang Asian and European honeymoon ay tuluyang nakauwi sa Pilipinas sila Kikay at Zeus. Isang masaganang hapunan ang inihanda ng magulang nila para sa kanilang pagbabalik. Mukhang nag-e-enjoy rin ang magulang ni Zeus sa pamamalagi nila sa Pilipinas. Dahil mula nang umuwi ang mga ito pagkatapos nilang umuwi ay hindi pa nabalik ang mga ito sa Amerika. "Welcome back!" masigabong sigawan ng lahat ng naroroon lalo na ang kaniyang mga kakambal. "Thank you so much sa mainit na pagbati. Mukhang taon ang lumipas pero dalawang buwan lang naman kaming nawala," nakangiting turan ni Kikay. "Na-miss ko kayong lahat!" masiglang niyakap ang mga magulang nila lalo na ang mga kakambal ng mga ito nang kapwa halos masuka sila Panyang at Althea. "Ay, grabe sila oh! Ang ba