Halos sunod-sunod silang magkakaibigan na bumaba sa hagdan habang pangko ang kani-kanilang mga asawa. Nang maging ang mga magulang ng mga ito ay nabulabog sa kanila, maging sila ay nataranta na rin. "Anong nangyayari dito?" ang malakas at maawtoridad na boses ng biyenan nilang lalaki. "Papa, manganganak na po sila?" tarantang turan ni Xian. "Tunta!" malakas nitong bara kay Xian. "Paano manganganak eh, hindi pa lumulubo ang tiyan?" bulalas nito. "Papa, nahilo po ang aking asawa kaya dadalhin ko siya sa ospital," turan ni Joe. "Ikaw naman, anong nangyari sa asawa mo?" baling nito sa kaniya. "Ah, Papa, uhmmm!" aniya na nauutal. Hanggang ngayon ay medyo takot pa rin siya sa biyenan. Sa kanilang tatlo ay siya ang hindi pa rin gamay ang ugali nito. Samantalang si Joe ay matagal na nitong