Napapamura si Zeus sa kaniyang kinahihigahan dahil sa nakita. Nakailang hilamos din siya ng palad sa kaniyang mukha bago bumangon at hinubad ang lahat ng saplot. Mabilis na binuksan ang tubig at hindi na tinimpla kung malamig ba o mainit iyon.
Naginhawaan siya ng malamig na tubig ang pumatak sa kaniyang balat. Hindi malaman kung epekto ba iyon ng matinding pag-iisip sa babae o talagang naapektuhan siya ng makitang halos mahubaran ito. "s**t!" gilalas pa niya nang makitang hindi lang pakiramdam niya ang nag-init kundi nabuhay ang kaniyang p*********i.
Tinukod ang dalawang kamay sa pader ng shower room habang panay ang lagaslas ng tubig. Matagal na nga pala mula noong maghiwalay sila ni Alexis. Mula noon ay nawalan siya ng gana maging ang s*x life niya. Isang ideya tuloy ang dumapo sa kaniyang isipan. Kailangan niyang lumabas, kailangan niya ng babae.
Mabilis na naligo upang pahupain ang nabuhay nitong p*********i. Nagbihis siya at alam na niya kung saan siya tutungo. Pupunta siya sa bar kung saan madalas ang gig nila noon. Alam niyang doon siya makakakilala ng babaeng pwedeng pumawi sa init na binuhat ni Kikay sa kaniya.
Pagdating sa bar ay marami ang nabago. Mas dumami ang tao roon at lumawak ang dati ay makipot lamang na bar. Pagpasok niya pa lamang ay may dalawang babae nang lumapit sa kaniya. Tila nag-away pa ang mga ito kung sino sa kanila ang pipiliin niya. Parehong maganda ang mga ito at walang maitulak kabigin kung katawan ang pag-uusapan. Ngunit maya-maya ay naagaw ng atensyon niya ang isang babae sa gilid ng dalawang babae.
"Hey! Bago ka rito right?" anito kasabay ng matamis nitong ngiti.
"Wait! Nauna kami sa kaniya," angal ng dalawang babae.
"Sorry, girls. Mas type ako eh, bye!" turan nito sabay hila kay Zeus.
Napangiti na lamang si Zeus. Saka nakisabay sa paghila sa kaniya ng babae. Hinila siya nito sa loob ng dance floor at mabilis na pumulupot ang kamay nito sa leeg niya kaya napayakap na ito sa kaniya.
"Sherry," anas nito.
"Zeus," anito.
"Wow! Isn't it mean, King? You're my king tonight?" sensitibo at nang-aakit nitong turan.
"Sure," aniya saka sumabay sa bawat haplos nito. Sensitibo ang bawat haplos nito. Maya-maya ay hinila siya nito sa counter at doon ay umiinom sila. "One tequilla and martini please," ani ni Sherry.
Masarap ang hagod ng alak sa lalamunan niya lalo pa at panay ang pisil ni Sherry sa hita niya. Pataas iyon nang pataas. Saka muli siyang hihilain sa dance floor at halos nagyayakapan na sila. Panay din ang halik nito at hindi lang basta-basta halik bagkus ay torrid kiss iyon. Mapagbigay ito dahil sa walong shots na nainom nila ay nagyaya na ito sa kaniya.
"Your place or my place?" ungot nito.
"It's up to you," namumungay na turan. Tinablan na rin siya. Lalo pa at nakalimutang uminom ng gamot niya. Madaling mag-take over ang alak sa kaniyang sistema.
Hindi sumagot si Sherry dahil mukhang tulog na. "Okay, my place," aniya saka iginiya ito sa kung saan pwede silang sumakay ng taxi. Ngunit hindi pala dahil naging mas agresibo pa ito na makipaghalikan sa kaniya.
"Oppppps! Sorry," anito nang sinadyang kagatin siya ng bahagya sa labi.
Nagsisimula na itong kumapa at panay na rin ang tingin ng driver sa kanila. Pilit pinaglalabanan ni Zeus ang antok hanggang sa marating ang kinaroroonan hotel.
Sa elevator pa lamang ay hindi na mapigilan ni Sherry at nagsisimula na itong buksan ang butones ng suot na pang-itaas. At nang ganap na makapasok sa silid ay agad siya nitong tinulak sa kama. Gumigiling pa itong tinatanggal isa-isa ang damit. Napangiti siya. Nang matanggal at natira na lamang ang panloob ay lumapit ito sa kaniya at muling hinalikan ng marubdob.
Pinikit-pikit ang mata dahil nakikita ang nakangiting mukha ni Kikay. Ang mala-anghel nitong mukha. Nang halikan siya nito ay buong puso niyang tinugon iyon. "Kikay," usal niya. "Ohhh, Kikay!"
Awtomatikong napatigil ang babae saka siya sinampal nito. Nahimasmasan siya ngunit paalis na ito dahil sa inis nito. Napatigil siya dahil sa nangyari. Mukhang pati ng sistema niya ay hindi na mawala si Kikay. Wala siyang nagawa kundi ang itulog na lamang iyon.
Kinabukasan ay masakit ang ulo niya ng magising siya. Ayaw pa sana niyang bumangon pero kailangan niyang puntahan ang kaibigan sa lugar kung saan sila magkikita. Pagkarating sa lugar ay nakita agad ang kaibigan at kumakaway pa ito. Sa burol kung saan madalas sila tumambay noon. Tanaw din doon ang ilog kung saan lagi silang niligo tuwing tapos ng klase nila.
"Here," tawag nito pagbaba sa service na sasakyan ng hotel. Agad na tinungo ang kinatatayuan nito. Nabigla siya nang makita ang lugar. Walang pinagbago maliban sa isang tree house.
"Nice," puri rito.
"Tara," anito na tila bumalik sila sa pagkabata.
"Is Joe coming?" tanong rito. Tila hindi kasi sila buo kung wala ito.
"Busy ito, niyaya ko pero may gagawin daw sila ni Althea," anito saka nalungkot ang tinig. Doon ay naalala ang kaugnayan nito sa babaeng papakasalan ni Joe.
Tumayo siya at tumingin sa ilog. "Naalala mo pa ba noong muntik ka nang malunod?" maang na turan ni Zeus.
"Ah, oo. Luan save me. I owe him my life," anito.
Ngumiti ng mapait si Zeus. Hindi na talaga niya mapigilan ang sarili na hindi tanungin ito ng harapan dahil ayaw niyang dumating sa puntong maipit siya sa dalawang malapit na tao sa buhay niya.
"May namamagitan ba sa inyo ni Althea?" tahasang tanong dito. Mabilis na tumingin si Xian sa kaniya. Hindi makapaniwala sa naririnig. "I saw last time when we went to Joe's house. Nakita ko kayo sa gilid ng daan. Hindi ako maaaring magkamali, si Althea iyon. Nag-agawan pa nga kayo ng cellphone," saad niya.
Si Xian naman ang napatigil. Tumayo at nagpamulsa. "Hindi ko alam kung papaano ieksplika. Hindi ko alam," naguguluhang sabad nito.
"Paanong hindi mo alam, Dude? Mapapangasawa siya ng best friend natin. Engage na sila," giit niya.
"Hindi mo ako maintindihan?"
"Talagang hindi kita maintindihan. Bro, ayaw kong maipit sa inyong dalawa. Anuman ang namamagitan sa inyo ni Althea ay tapusin niyo na. As you said, you owe your life to Luan," giit niya rito.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Xian. "Hindi mo maintindihan dahil maging ako ay hindi ko na rin maintindihan. Gulong-gulo na ako. Gulong-gulo. Alam mo noong gabi ng engagement nila, nabigla ako. Sinabi ko pa sa sarili ko bakit naroroon ang PA kong si Panyang. Bakit ang sosyal-sosyal niya samantalang antukin kapag nasa opisina ko siya. Kaya lumapit ako at kinausap siya noong gabi ng engagement. Magkamukha at magkaboses sila ng PA ko pero magkaiba sila ng way ng pananalita. Kaya ako ay naguguluhan din kung si Althea Robles ba at ang personal assistant ko na si Pauleen Vergara ay iisa," mahaba at hingal na saad nito.
"Personal assistant mo? Pauleen Vergara?" 'di mapigilang sabad ni Zeus sa kaibigang si Xian. Sa isip ay iniisip si Kikay. Kung ganoon hindi lang si Althea ang kamukha ni Kikay. Mas lalo siyang naguluhan.
"Kung hindi ka naniniwala. Dumaan ka sa opisina ko sa Maynila bago ka bumalik ng Amerika," ani ni Xian saka tinungo ang tree house na pinagawa niya kapalit ng maliit na tree house nilang nasira na noon.
Aaminin na rin ba niya kay Xian na katulad nito ay naguguluhan din siya sa katauhan ni Kikay, ang kaniyang caregiver. Sumunod siya sa kaibigan at napangiti nang makita ang loob ng tree house.
"Mukhang ginastusan mo ah," puna rito dahil pulido ang pagkakagawa at naroroon lahat ang kailangan nila. May hammock na pwedeng tulugan at lutuan.
"Ito ang plano natin noong bata tayo. Maganda rito, kahit na minsanan lang ako umuwi rito ay lagi kong pinapapunta si Tatay Rudy dito.
Maya-maya ay may kaluskos silang narinig. Kasunod ng tinig ng matanda. Mabilis silang lumabas at sinurpresa ang matanda.
"Tatay Rudy!" sabay na sigaw nila.
"Zeus! Xian! Aba'y buti at dumalaw kayo? Aba, mukhang umuwi kayo sa engagement ni Joe ah," anito.
"Opo, bakit hindi po kayo nakapunta?" untag ni Xian dito.
"Ah, naku sinumpong ng sakit ang Nanay Celia niyo," anito. "Alam na naman ni Joe iyon dahil palaging nadalaw iyon sa amin."
"Ganoon po ba, Tatay?" malungkot na turan ni Zeus na apektado sa nalaman.
"Kayong dalawa, wala ba kayong balak magkapamilya gaya ni Joe?" segundang turan nito.
Nagtinginan sila mi Xian. "Si Tatay talaga. Ang sayang maging single," turan ni Xian. Binatukan ito ni tatay Rudy.
"Ikaw na bata ka, balita ko ay chick boy ka sa Manila," wika nito na kinatawa ni Zeus.
"Ikaw?! Tawa ka nang tawa. Balita ko rin naman ay nabaliw ka sa babae," baling sa kaniya. Tumawa rin ng malakas si Xian.
"'Di bale nang maging chickboy huwag lang mabaliw sa babae," anito na kinantiyawan si Zeus.
Maya-maya ay tumaas na rin ang matanda at naglabas nang ipapakain nito sa alangang mga manok. "Alaga niyo po lahat iyan, Tatay?" tanong rito. "Oo, mga tandang ito. Mga ipansasabong kapag pista rito sa atin at sa ibang bayan," saad nito. Ito lang daw kasi ang libangan nito matapos ng maghapong paglilinis sa buong unibersidad sa bayan. Pinapatigil na nila ito dahil salitan silang tatlong sumusustento sa mga ito pero ayaw naman nito. Kaya hinayaan na lamang nila ito upang malibang din.
"Pista pa rin hanggang kahapon, 'di po ba?" sabad ni Xian.
"Oo, kaya nga may pinambili kami ng gamot ng Nanay Celia niyo. Maraming kumuha ng manok rito," sagot nito. Napangiti siya. Buong akala niya ay nasabong ito, iyon pala ay tagapag-alaga lang ito.
Matapos nang masarap na kuwentuhan nila ay nagpaalamanan na sila. Habang nasa daan papunta sa hotel na tinutuluyan ay bumabalik sa isipan ang sinabi ni Xian. "Kung hindi ka naniniwala. Dumaan ka sa opisina ko sa Maynila bago ka bumalik ng Amerika."
Mambilis na sinagot ni Kikay ang tawag ng kaniyang ina. Batid niyang nag-load pa ito para lamang makatawag sa kaniya sa Skype. "Hello, inay!" agad na bungad rito.
"Hello! Hello! Hello anak!" sunod-sunod na turan ng ina.
"Si Inay talaga. Sabi ko isang hello lang, buti sana hindi naka-mega phone ng bibig niyo? Ano po, kumusta po kayo diyan?" masayang bati rito.
"Hay naku, anak. Maayos at mabuti naman kami. Ito nga pala suot ko na ang padala mong bra," anito sabay pasilip ng bra na suot nito. "Suot ko na rin ang panty," anito na akmang itataas pa ang laylayan ng bestida.
"Ah, Inay. Okay na pong sabihin niyong suot niyo na. Huwag niyo nang ipakita. May ipapadala po ba kayo sa akin rito. Bukas daw po ay pupunta na sa Maynila ang amo ko. Sinabi ko na rin sa kaniyang magkita na lang kayo sa departure sa airport," wikang bilin sa ina.
"Oo, anak. Naku, noong nakaraang gabi pa nagsimulang maghuli ng palaka sina Segundo at ang Itay mo. Iaadobo ko bukas para maipadala diyan sa inyo. Ay, mabuti na lamang at magaling si Mareng google at sinabing mas matatagal ang pagkain na-adobo at nalagyan ng suka," bulalas ng ina.
"Sino pong si Mareng google?" maang na turan. Baka malamang ay ka-tong its na naman nito.
"Iyong google. Pinakilala sa akin ni Segundo. Sabi ay lahat ng tanong ko ay masasagot daw niya," talak ng ina na nakangisi. "Aba'y tama naman, sabi nga mas mainam kapag tuyo daw ang pagkakaluto para hindi maitapon ang sabaw kapag pinadala sa malayong lugar," walang prenong paliwanag pa nito. Napangiti na lamang siya. Mukhang mas magaling na ang inang mag-operate ng gadget. Marami na itong alam. "Naku anak, ipagkakatay ka rin daw ng Tatay mo ng tandang. Baka daw kasi na-miss mo na," anito pa na natatawa.
"Inay talaga. Basta po bukas ay nasa airport na po kayo. Salamat po, ingat kayo lagi ni itay diyan," aniya na naiiyak. Sa totoo ay nami-miss niya na ang mga ito.
"Oo, anak. Ikaw din ay mag-ingat diyan. Tiniba na ng tatay mo ang saging sa likod. Papadala rin namin diyan para may masustansiya kang makain. Magmaruya ka at patikaman mo sila diyan ha?" ani ng inay niya.
"Opo, Inay," turan saka nagba-bye rito.
Habang patungo si Zeus sa opisina ng kaibigang si Xian ay hindi niya maiwasang kabahan. Parang iyon na kasi ang moment of truth. Paano kung totoong ang kasama nito ay hindi si Althea. Maaaring tatlo silang iisa ang mukha.
Pagbaba ng taxi. Bitbit ang hand carry traveling bag niya ay agad na tinungo ang elevator. Batid niyang maraming babae ang napapalingon sa kaniya ngunit tuon ang atensiyon niya sa pakay.
"Saan po sila, Sir?" tanong ng tila receptionist pagbukas niya ng elevator sa floor kung saan inuokupa ng kompaniya ng kaibigan.
"Kay Xian, I'm his best friend," aniya.
Nakitang matamis na ngumiti ang babae. "Sa dulo po, Sir, then you'll see his secretary. Iyong chubby. Ask her kung hindi po busy si Sir Xian," anito saka muling ngumiti ng matamis.
"Thanks," simpleng tugon saka ngumiti rin dito. Nakitang kinilig pa ito.
Napamaang ang cute na sekretarya ng kaibigan. "Si Xian, I'm his—"
"Best friend," sabad nito.
"Yah," aniya na tudo ngiti. Tinuro nito ang pinto. Tinungo niya at kumatok konti saka pumasok. Tahimik ang opisina ng kaibigan. Tahimik itong abala sa mesa nito. Nang makita siyang sumilip ay tumayo ito.
"Come in," anito na tila nabulong.
"Where is—" putol na turan niya nang makita ang babaeng mahimbing na natutulog sa couch sa opisina ni Xian.
Napalunok siya. Tama ito. Kamukha ni Althea at kmukha rin ni Kikay.