Matapos ang nakakamatay na irapan nila ay nabaling ang pansin nila sa Mommy nito. "Oh, anak. Hindi mo naman sinabi sa aming magaling ka palang sumayaw," wika ng ina. Hindi alam kung papuri ba iyon o inaasar lang siya nito kaya tumigil na siya. "Oh, bakit ka tumigil?" maang pa nito nang mapunang nakatigil na siya. "Nothing, Mom. Pagod na ako," kaila rito saka tumingin kay Kikay na mabilis na nag-iwas ng tingin at hindi siya nito pinansin. Gayun pa man ay halatang ayaw lang siya nitong tignan. 'Guilty ka?' aniya sa isipan. Habang sa loob-loob naman ni Kikay ay natatawa dahil sa hitsura ni Zeus. Batid na sinisisi siya nito pero nagkibit-balikat na lamang siya. 'Kung ayaw mo, pwede namang tumanggi pero bakit sumayaw ka pa rin. At infairness, ang seksi mo ah,' aniya sa isipan na natatawa. Pa