Matapos siyang tuksuhin ng ina ay iniwan rin siya nito dahil ipapahinga raw muna nito ang katawan na napagod sa kasasayaw nito kanina. Bagay na kinangiti dahil hindi talaga makapaniwalang maging siya ay napasayaw kanina. Naiiling din siyang nagtungo na ng silid dahil may usapan sila ni Joseph na magkikita ng lunch malapit sa pinapasukan nitong opisina. Doon ay naalala ang sinabi ni Alexis. Muli siyang napailing dahil marahil kaya siya nito tinawagan kagabi ay para sabihing nagkita sila ni Alexis. 'Guilty yata ang gago,' aniya sa isipan. Sinapo niya ang mukha sabay hilamos ang palad. Iling pa sa ulo dahil tila hindi mawala sa paningin at sa isipan ang maganda at nakangiting mukha ni Kikay. "Nababaliw na yata ako," bulong nito sa sarili saka inihakbang na ang mga paa bago pa kung ano ang m