"Dali na at kanina pa nakahain ang pagkain sa mesa," tinig ng ina na bumasag sa biglaang pagnatahimik ng kinaroroonan nila. Doon ay mabilis na napamata si Kikay at nakitang nakatitig sa kaniya si Zeus habang siya ay nakatulala sa kawalan. Binaling ang ulo upang lingunin ang kakambal at doon ay nasumpungan na sweet na sweet itong nakayakap sa bulaklak na bigay ng masintahan nito. Napabusangot siya dahil inakalang may dala ring bulaklak si Zeus. Umasam pa naman ang puso na sa kauna-unahang pagkakataon ay makakatanggap ng maayos na bulaklak na galing sa isang lalaki o manliligaw. Nag ibigay naman sa kaniya si Segundo noon ay may naka-MU rin naman siya noong high school siya at binigyan siya ng mga bulaklak. Ngunit ang lahat ng iyon ay pinitas lang sa harden ng kapitbahay o sa mismong bakur