"Hija, anong pangalan mo ulit mo?" ulit na tanong ng ina sa babaeng kamukha nila. Bakas pa rin ang pagkabigla sa mukha nito. "Paanong nangyari ito?" naguguluhang lingon sa kaniyang Papa. "Hindi ko rin alam," tugon ng ama. Nang maya-maya ay agawin sila ng tinig nito. "Pauleen Vergara po?" anito. "Pauleen Vergara?" ulit ng ina na tila may inaaalala. Hanggang may nasambit itong pangalan na kinatingin naman ng babae. "Martina Vergara?" usal niya. "Siya ang kumadronang nagpaanak sa akin," dagdag pa ng ina. Doon ay nakuha na nila ang koneksyon nila kung bakit hindi alam ng ina na may isa pa silang kakambal. Ngunit walang makapagsabi kung bakit ginawa iyon ng kumadrona na nagpaanak sa kaniya. "Paano niya nagawa iyon?" muling sambit nito. "Hindi ko rin alam, mahal," sabad ng ama na tila hi