Nahihiyang nagtungo na lamang si Kikay sa kanilang banyo. Halos hindi malaman kung papaano titingin kay Zeus matapos malanghap ang hindi kaaya-ayang amoy na kaniyang nilabas. Hindi aakalaing ang romatic at sweet moment sana nila ay mauuwi sa disaster dahil sa pahamak na utot. "Ano ka ba naman, Kikay? Hindi pa nga kayo tapos mati-turn off agad sa'yo!" sermon sa sarili pagkapasok sa kanilang banyo. Ngunit kahit ano pang sabihin o panininisi sa sarili ay nangyari na ang lahat. Umalingasaw na ang dapat umalingasaw. "Nakakainis talaga!" hindi mapigilang sambit. Samantala, tila naman nagising si Zeus nang maamoy ang mabantot na utot ni Kikay. Hindi malaman kung matatawa o maiinis pero naisip na mabuti na lamang at nautot ito dahil nagising siya sa kaniyang kahibangan. Sa totoo lang ay hindi n