"Kath," ulit na sambit ni Zeus sa kaniyang pangalan. "Yes," usal naman niya. 'Spell it!' May excitement sa isipan na marinig ang nasa saloobin nito. "Can I kiss you goodnight?" anito dahilan upang madismaya. Kita ni Zeus ang pagbalatay ng pagkadismaya sa mukha ni Kikay. "I love you," pahapyaw na wika. Nang makita ang pamimilog at panlalaki ng mata nito. Masaya siyang malamang nananabik itong malaman ang damdamin para rito. "Anong sinabi mo?" tila gulat na saad nito. "Ha?! May sinabi ba ako?" kunwari ay sagot dito nang makita ang paghaba ng nguso nito. "Meron kaya?" giit dito. "I said, ang ganda mo," pag-iiba sa usapan. Mas lalong humaba ang nguso nito. "Hindi iyan, may sinabi ka eh," giit nito pero maging ito ay ayaw banggitin. "Ha?! Meron ba? Ano bang sinabi ko?" kunwaring turan.