Naging napakasaya ang araw na iyon para sa kanilang lahat. Maging ang mga kakambal ay hindi halos makaalis sa tabi ng kanilang mga asawa. Puno ng saya ang kanilang mga mukha at panay ang tawanan ng lahat. "Welcome to the family, Kikay," masayang bati ulit ni Kelly. "Thank you, Ma—" "Hey, don't ever call me, Ma'am?" tila banta naman nito. "Okay, sure," aniya gamit kung paano ito magsalita at doon ay tawang-tawa ito habang si Zeus ay hindi maipinta ang mukha. Mayamaya ay lumapit ang magulang ni Zeus kasama ang magulang niya. Muli ay masaya silang binati ng mga ito. "Masaya akong makitang nakikita itong si Kikay. Sana ay huwag na huwag mo siyang sasaktan at paiiyakin," bilin ng Inay Lumen niya kay Zeus. "Huwag po kayong mag-alala, Inay. Hinding-hindi ko siya paiiyakin bagkus ay palikiga