Pagdating nila sa harap ng bahay ng mga Robles ay namangha ang kaniyang mga magulang. "Iyan ba ang bahay nila?" may kabang tinig ng ina. "Opo, Inay. Pero huwag po kayong mag-alala dahil mababait naman po sila," tugon sa ina habang hinihintay na pagbuksan sila ng mga ito sa malaking gate. Bumaling sa ama at kitang tahimik ito. "Itay, huwag kang mag-alala dahil tiyak na magkakasundo kayo ni Papa," pagkakalma sa ama. Maya-maya ay lumabas ang drayber ng ama na may katandaan na rin at ang asawa nitong kusinera ng kaniyang Mama Trining. "Magandang araw po, Ma'am Kath," bati ng mga ito sa kaniya. "Hindi ba sila ang mga magulang mo, anak?" maang na tanong ng ama sa mga ito Napangiti siya. "Hindi po, Itay. Sila po," aniya sabay turo sa mga magulang na noon ay nakatayo na sa kanilang tarangka