Mabilis na dinaluhan ng magkapatid na Panyang at Althea ang kapatid nilang si Kikay Agad na kinatok ito. "Kikay, ayos ka lang ba?" alalang tanong ng mga ito. Maging siya man ay may tumubong pag-aalala na rin lalo pa at walang pagtugon buhat kay Kikay. Kinatok muli ni Althea si Kikay. "Kikay, ayos ka lang ba?" turan ngunit wala pa ring tugon. "Pihitin mo kaya," ani naman ni Panyang na siya na ring gumawa. Mabuti na lamang pala at hindi iyon na-lock ni Kikay. Mabilis na nagsipasukan ang magkapatid maging siya man ay napasunod nang lahat sila ay mapatigil nang makitang maayos na nakaupo si Kikay aa nakatakit na toilet bowl. "Ahh!" malakas na tili nito nang makita sila. "Ahhh!" tili rin nila Panyang at Althea. "Anong ginagawa niyo rito?" gilalas na tanong nito. "Ikaw ang tatanungin n