"Hmmmmp!" impit na kumawala sa bibig ni Kikay na sakop ni Zeus. Para tuloy nagagatungan si Zeus dahilan para mas lalong sibasibin ang labi nito. Nanlaki lalo ang mga mata ni Kikay nang maramdaman ang paglalim ng halik ni Zeus sa kaniya. Nang muling bumaling sa may pintuhan ay nakita kaniyang mga kakambal at sa likod ng mga ito ay ang kaniyang Papa. Sa kabiglaan ay ubod lakas na tinulak si Zeus. Dahil hindi nito napaghandaan ang kaniyang ginawa ay bumalandra ito sa kaniyang kama. "Anong nangyayari rito?" gilalas na tanong ng ama sa mga kakambal niya saka bumaling sa kaniya na nagtatanong. Hindi niya maiwasang mapalunok dahil sa tingin ng kaniyang Papa. 'Hindi po ako, malandi,' giit ng isipan. Para kasing nababasa ang nasa isip nito. "Kayong dalawa?" baling kila Althea at Panyang. "Sab