Hindi napigilan ni Kikay ang mapabungisngis nang marinig ang pambabara ng ama kay Xian. "Kayo naman?!" baling nitong sita sa kanila. "Ha?! Kami?" sabayan nilang turan ni Panyang. "Oo, kayo nga!" ani ng ama. "Bakit parang mag-aaway kayo dahil sa lalaking ito?" maang na tanong nito. "Ito kasing si Kikay, Papa," mabilis na turang turo ni Panyang sa kaniya na kinatingil sa pagngata sa chicharon. "Ako? Bakit ako nadamay?" kibit-balikat na wika. "Talaga naman, kung hindi ka pa nagpanggap na ako ay wala tayo ngayon dito!" giit ni Panyang na tila susugod sa giyera ang hitsura. Kahit takot sa Papa nila ay hindi niya naiwasang matawa. "Kasalanan niya kung ganoon?" turo kay Xian saka lumapit sa ama at humawak sa braso nito upang igiya papalabas ng kusina. Saktong nasa may pintuhan na sila nan