Napapantastikuhan man si Kikay sa ginawi ni Zeus ay nagpatiayon na lamang, tutal iyon naman ang gusto niya. "Oh, huwag masyadong magpagabi dahil baka mamaya ay ma-late kayo sa flight niyo bukas!" malakas pa na paalala ng ina bago nito binalingan ang tsismosa este kumare nito. Pagkapasok sa loob ng tricycle ay halos maipit siya sa tabi ni Zeus. Malaki kasi itong bulas ngunit kahit ganoon ay kinikilig siya. 'Kinikilig daw, hindi kaya excited ka lamang dahil sa peryahan!' sermon ng isipan. 'Kasama na iyon,' ani ng kabilang isipan. Nang maya-maya bumilis ang takbo ni Segundo dahilan para mapakapit siya sa braso ni Zeus. "Ano ba, Segundo? Siksikan na nga kami rito! Aalugin mo pa kami!" inis na sigaw sa lalaki. "Pasensiya ka na, Madam Kikay. Nakalimutan mo yatang malubak ang daan natin? For