Hanggang pag-uwi ay kinikilig si Kikay sa mga gestures ni Zeus. Para kasing habang tumatagal ay nagiging showy ito sa pagpapakita ng pagkagusto na kaniya. Nasa harapan na sila ng kanilang bahay pero parang wala pa rin silang balak pumasok. "Salamat," tanging nasambit dito. "Salamat, saan?" turan naman ni Zeus. "Sa pagsama sa akin sa peryahan. I know, na hindi ka nagpupunta sa ganoong lugar," aniya rito. Napangiti si Zeus. "Remember, lumaki ako sa ganoong lugar. Noong hindi pa bumabalik si Papa," anito. "Ay, oo pala!" aniya sabay kamot sa ulo. "Pasok na tayo, hindi pa ba inaantok?" tanong niya kay Kikay. Pasado alas dose na masi iyon ng gabi. Umiling si Kikay. Sino ba naman kasi ang hindi aantukin kung ang makakasama mo ay lalaking nagpapabilis ng pulso ng dibdib sa tuwing nasa mal