Paglapag sila sa Los Angeles Airport ay sinalubong sila agad ng tuwang-tuwa na ginang. "Welcome back, hija. Akala ko ay hindi na na sasama kay Zeus pabalik dahil mayaman daw ang totoo mong pamilya?" anito na kinatingin kay Zeus. Suspetsa niya ay ito ang nagsabi tungkol sa bagay na iyon. Ngumiti siya sa ginang. "Naku, Ma'am! Hindi ko naman po pwedeng baliwalain ang trabaho ko dito lalo na at may kontrata po ako," aniya rito. "Well, totoo naman iyan. Pero pwede mo naman akong kausapin hinggil doon," giit pa nito na tila gusto pa siya nitong pabalikin na ng Pilipinas. Dahilan upang matigilan na lamang bagay na napansin naman ni Zeus. "Ahemmm! Mom aren't you going to welcome me back too?" may himig pagtatampong tanong sa ina. Doon ay tuluyang makuha ang pansin nito at natatawang bumaling s