Nabalot siya ng kilig dahil sa sinabi nito. Lalo pa at hindi nito binitawan ang palad niya hanggang sa makauwi sila. "Hija, hayaan mo na ang mag-ama para sa gamit niyo," yakag ng ginang sa kanila. Hawak pa nito ang braso niya at pagkapasok nila sa bahay ng mga ito ay agad siya nitong inusisa. "Umamin ka, kayo na ba ni Zeus?" anito na nakangiti. "Hindi pa po?" "Are you sure? Nakita ko ang holding hands ninyo kanina," pasitang wika nito. "Ha?!" gulat na turan. Mas lalong tumamis ang ngiti ng ginang. "Hindi naman ako magagalit kung aaminin niyo nang kayo na. Ako pa nga ang unang matutuwa," anito na tila ini-engganyo siya nitong umanin. Siya naman ang humawak sa braso ng ginang. "Huwag po kayong mag-alala, Tita. Kapag kami na ay ikaw ang una naming sasabihan," turan na lamang dito upa