Pagkapasok ni Kikay sa silid ay agad na tinungo ang tukador kung saan ay pansamantalang nilagak ang kaniyang mga gamit habang nasa silid ng mga magulang. Pagbukas niya ay hindi naiwasang biglang bumagsak ang kahon kung saan ay naroroon ang personal niyang gamit. Mga memorableng gamit gaya ng first love letter niya kay Primero na hindi niya na naibigay. Ang candy wrapper ng kendi na binigay ng kaniyang grade six crush noon na si Daniel. Ilang larawang niya noong bata siya at high school. "Ahhh!" tili niya hanggang sa marinig ang pagbagsak noon sa sahig. Gaya ng inaasahan ay nagkalat ang laman noon. Akma niyang ililigpit ang mga iyon nang bigla nang biglang bumukas ang pintuhan at bumungad ang ina at si Zeus. "Ayos ka lang ba, anak?" alalang tinig ng ina. "Are you alright?" gagad namang t