CHAPTER TWELVE

2713 Words
DAHIL sa pakikipagtulungan ng pamilya Valderama at pamilya Cohen o mas tamang sabihin na buong angkan at ang mga alagad ng batas, military na kinabibilangan ni Sam ay madali nilang nahanap ang lugar na sinabi Lando. "Huwag ka nang sumama, sis. Aba'y baka mapaano pa kayo ni baby." Pagpipigil ni Margarette sa hipag to be. Kaso! "Ha? Sino'ng baby dragon, sis?" Dahil wala namang kaalam-alam si MaCon sa ganoong tawagan ng magpipinsan ay hindi niya nakuha ang ibig nitong sabihin. Mabuti na lamang at naging maagap ang ina ng mahal niya. "Masanay ka na, anak. Dahil dragon ang tawag nilang magpipinsan sa mga anak ko short for Mondragon. By the way, dito na lang tayo sa bahay n'yo maghintay. Trust them, anak. Dahil sisiw lang iyan para kina Janellah at Jameston," saad nito. Kaya naman napakamot na wala sa oras ang dalaga. Aba'y ano ba ang malay niya sa bagay na iyon? 'Rence naman kasi ang tawag niya sa binata. Kaso! "Tama naman sila, anak. Huwag mo nang ipagpilitang sumama lalo at buntis ka. Ako ang natatakot na baka matulad ka kay Emily na nanganak ng wala sa oras." Hindi na rin napigilan ni Don Evaresto ang sumabad dahil sa nakikitang determinasyon ng anak. "Sasama po ako, Tita Mommy, Daddy, Ate ate Janellah dahil gusto ko pong makita si 'Rence, please." Sa wakas ay nagawang sumagot ng dalaga. Ah, bahala na sila riyan kung ano ang iisipin sa kaniya. Basta nais niyang makita ang mahal niyang ship captain na may-ari rin pala sa barko kung saan sila unang nagkita at nagkakilala. "Pero, sis, baka kasi mapahamak kayo ni mini-dragon. Imbes magpasalamat ang dragon na iyon sa pagliligtas namin sa kanya eh pagalitan pa. Narinig mo naman siguro, sis, ang sabi ng hipag mo, gumagamit ng droga ang kapatid niya at hindi natin alam kung sino-sino ang nandoon." Diskumpiyadong tutol ni Janellah. "Hindi, Ate. Ako ang bahala, please." Pagmamakaawa pa ni MaCon. Kaya naman walang nagawa ang mga ito kundi ang isama ang buntis sa lugar kung saan nila isasagawa ang rescue operation kay Clarence. "GUYS, tandaan ninyo, iwasan ang gumawa ng hakbang na ikapapahamak natin lalo na ang pinsan ko. May mga earpieces naman tayo para ma-manitor ang galaw ng bawat isa. Maliwanag ba?" ani Janellah bago sila pumuwesto. Well, sila naman kasi ang lead sa rescue operation. Kaya't malaya siyang nagbibigay ng instruction. "Dito ka lang sa tabi namin ni Jameston, sis. Huwag kang lalayo sa amin para mabantayan ka namin." Baling niya sa dalaga na halata namang hindi mapakali. Kung hindi niya ito hihipagin sa dragon niyang pinsan na mukhang umurong ang tapang ay baka hindi palampasin. Pero dibale na lang! Tumango na lang si MaCon. Tahimik siyang sumabay sa mag-asawa na nag-lead sa pagrescue sa mahal niya. She's praying silently na maging okay sana ang lahat para makauwi na rin ito Pero! Kung nakaplano para sa mga taong naghahangad na mailigtas sa kamay ng hayop si Clarence ay nakaplano din ang binatang si Lorenzo iyon nga lang ay wala siyang kaalam-alam na napapalibutan na siya ng mga alagad ng batas. "Sige lang lapit kayo para makita natin kung sino ang kinakalaban mong, Mondragon ka. Hayop ka ng dahil sa iyo ay nawala ang pamangkin ko kaya mas mabuti din mawala ang anak mo! I hate you to death!" ngitngit niya. Then... "Ayusin mo ang trabaho mo, gaga! Huwag kang e-epal diyan. Alam ko namang pera ang habol mo eh kaya't umayos ka diyan!" bulyaw ni Lorenzo sa babaeng natatakam sa katawan ng binatang tulog. "Parang nagbago na yata ang isip ko, lover boy. Mas nais ko na siyang matikman---" "Punyeta kang p*ta ka! Manahimik ka kung ayaw mong ikaw ang ipakulong ko!" pasigaw ng sambit ng binata. Pero para sa taong nagsisisi at handang magbagong buhay. Nang nakita ni Arman ang mag-asawang Janellah at Jameston na may kasamang buntis ay hindi na nag-atubling lumapit. But! "May kalaban! Pinasok tayo ng mga kalaban! Magsikalat kayo!" sigaw ng isa pang tauhan ni Lorenzo. Kaya naman bago pa makalapit si Arman sa tatlo ay nagpalitan na ng putok ang dalawang grupo. Ganoon pa man ay sinikap pa rin niyang makalapit. "Huwag! May sasabihin ako sa inyo!" Itinaas niya ang palad nang tinutukan siya ng baril. "Dapa! Macon!" sigaw naman ni Jameston sabay tulak sa asawa para ma-cover up ang kasama nilang buntis. Dahil dito mas pinili ni Janellah na humiwalay sa asawa para mailigtas ang hipag kaysa naman maidagdag pa ito sa pinoprotektahan nila. "Tanda! MaCon dito tayo!" aniya pero agad ding lumapit si Jameston ng nakita ang lalaking palapit sa kanila. Hoy! Mga earpieces ninyo! Baka mangalawang na hindi n'yo pa nagagamit! Kaya naman! "Do the moves now! What's happening to you guys!" Sa wakas ay nasabi ni Janellah. Dahil kung tutuusin may tatlo namang sniper upang protektahan silang nasa loob. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay hindi nila agad naisip ang bagay na iyon. "Sige lang mga gago! Magpatayan kayo. Mas mabuti na rin iyun kapag kayo rin ang mag-ubusan ng lahi para walang problema. Life must go on mga gago!" mala-demonyong sambit ni Lorenzo nang narinig ang putukan ng mga tauhan niya, ang grupo ng AGDA at ilang alagad ng batas. Nang maalala ang dalawang nilalang na hubo't-hubad na nasa loob ng kuwarto ay halos mapatalon siya dahil sa naisip. "Nagkakamali ka, Mondragon. Kung inaakala mong liligaya ka sa piling nila puwes magdusa tayong lahat. Kasalanan mo ang lahat." Sa taong normal kapag nasaksihan iyon ay maaring isiping nawawala na sa tamang pag-iisip ang binata. Ngunit para sa mga kagaya niyang walang pakialam kung masagasaan ay balewala. Dahil dito ay kinuha niya ang bag na naglalaman ng mga mahahalagang gamit saka dinampot ang baril. Patalihis siyang nagtungo sa kinaroroonan ng dalawa. But! "Boss, may lalaking naka-bag patungo sa isang silid. I think he's going to see Clarence." Tinig mula sa earpieces. "Sa kanan, boss, deretso lang kay. Ayon na papasok na, boss! Kami na ang bahala sa mga nasa labas!" sabi pa ng isa. "Let's go, asawa ko," aniya ni Janellah sa asawa bago bumaling sa buntis. "Kaya mo pa ba, sis? Are you okay?" tanong niya. "Okay lang ako, Ate?" sagot ng buntis at pinilit na ngumiti kahit sa kaloob-looban niya ay natatakot siya't nangangatog ang mga tuhod. Hindi niya akalain na sa kabila ng mga napapanood niyang laban ay ibang-iba pala talaga sa actual na labanan. Si Arman? Hindi na ito nagpatumpik-tumpik pa! "Ma'am, deretso po sa kanan nandoon po ang bihag ni sir Lorenzo. Kami po ang nag-ayos sa kanya doon kasama ng babae," anito sa malakas na boses dala na rin ng putukan kaya hindi sila magkaringgan. Saglit namang natigilan ang dalaga sa narinig na may kasamang babae ang mahal niya. Pero bago pa siya makaimik ay muling nagsalita ang may edad na ring si Arman. "Kung ito ang makakabawas sa kasalanan ko total nasimulan ko na rin naman, ma'am, set up po iyan. May kasamang babae ang bihag pero may gamot na itinurok si sir Lorenzo sa kanya kaya namin siya napaliguan at nai-ayos sa kama. Hindi ko lang alam kung gising na siya o hindi pero sabi ni sir kunting oras lang daw ang bisa gamot." Sa kabila ng putukan nagawa pa ring nagtapat ni Arman. Aminin man niya o hindi ay malaking bagay ang naitulong nito sa kanya. Wala silang formal na unawaan o relasyon ng binata pero ng narinig na may kasama itong babae ay nanibugho siya. "Boss, nakabukas na ang kuwarto. Pasok na kayo kami na ang bahala sa mga kalaban kung mayroon pa." Tinig mula sa earpieces. "Tahimik na ang buong paligid, boss, sa palagay ko ang suspek na lang ang buhay," sabi pa ng isa sa mga sniper. Kaya naman tiwala ang apat na tumakbo palapit sa naturang kuwarto, lakad-takbo nga lang kay buntis. "Asawa ko, bilisan mo baka mapaano pa ang dragon iyon. Sinumpong ng kalampahan kaya hindi nadepensahan ang sarili samantalang marunong naman sa martial arts!" Sa gitna ng alanganing sitwasyon ay nagawa pang nagsabi ng ganoon ni Janellah patungkol sa pinsan. "Take care of her, asawa ko," tugon ni Jameston. Tumango naman si Janellah sa asawa. But! "Anong kalokohan ito, Lorenzo? Hayop ka hindi ka pa ba nasiyahan sa pagpapahirap mo sa akin gago ka?" Galit na boses ng kahit hindi nila nakikita ay alam nila kung sino. 'Kulang pa iyan Mondragon! Hindi pa ako tapos sa iyo, hayop ka! Bangun!' Pero hindi ito pinatulan ni Clarence bagkos ay pinilit bumangon sa kabila ng kahubdan. "At ikaw namang, pokpok ka! Ano ang akala mo sa akin pumapatol sa isang tulad mong parausan ng kasing-hayop mong iyan? No! Way!" galit pa ring wika ng binata. 'Anong hindi, lover boy. As you can see, we are both naked---' "What do you think of me, a crazy like you? As if naman alam kong may kababalaghan kayong ginawa sa akin ni Lorenzo. Kaya ako nawalan ng malay matapos ninyong itakbo sa pagamutan ang kapatid niya! Kaya't huwag na huwag kang magtangkang gumawa ng eksena. You w***e!" Galit pa ring wika ng binata pero ang mga mata ay naghahagilap ng maari niyang pantakip sa katawan. Upang mas madali para sa kanya ang labanan ang dati niyang matalik na kaibigan kahit pa sabihing nanghihina na siya. 'Huwag mo ng tangkain pang tumakas, Mondragon! Dahil buhay mo rin ang kapalit ng buhay ng pamangkin ko at pagkatapos kitang mapatay ay mapasaakin na ang MARGARITA at isusunod ko namang papatayin ang mag-ina mo,' patuyang sabi ni Lorenzo. Sa narinig ay biglang natigilan ang binata. Di yata't may hindi siya nalalaman. Paano siya nagkaroon ng mag-ina? Teka lang! 'Kahit saan, kahit kailan, Mondragon! Isa ka talagang gonggong ano? Tsk! Tsk! Simple lang iyan may mag-ina ka sa hipag ng kapatid ko! Ngunit hindi mo na sila makakapiling dahil papatayin din kita. Kaya't mapirmahan mo ang papeles na inililipat mo ang ownership ng MARGARITA,' ismid nitong muli. But! "Iyon ay kung magagawa mo pa iyan, lalaki ka! Hands up now!" Hindi na napigilan ni Jameston ang asawa, samantalang may binubuo silang plano. Dahil dito napalingon ang tatlo sa pinagmulan ng tinig. "Janellah!" "Who the hell are you to mind me?" Sabayang sambit nila Clarence at Lorenzo. Pero imbes na sagutin ni Janellah ang tanong nito ay mabalisan niyang hinubad ang sariling jacket. "Itakip mo na, insan. Kanina ka pa pinagpipistahan ng haliparot na iyan baka malandi ka niya't baka lilipad siyang walang pakpak!" sabi pa niya. Well, tiwala naman siyang hindi mapapahamak dahil bukod may mga snipers sila ay nasa likuran lang din ang honey pie Agad namang itinakip ni Clarence ang ibinato sa kanya ng pinsan na jacket. To the rescue naman ang nakunsensiyang si Arman dahil sa paglapit nila sa kuwartong kinaroroonan ng bihag ay nakakuha ito ng pantalon. "Sir, ito pantalon mo," nito sabay hagis. "Ikaw? Hayop ka Arman! Ikaw ang nagsumbong sa kanila! Wala kang utang na loob! Papatayin kita!" galalit na wika ni Lorenzo nang napagtanto kung sino ang nagbigay ng pantalon, itinutok pa ang baril pero naging maagap si Jameston. "Hep! Hep! Huwag ka ng lumaban, boy. Dahil sa ayaw at sa gusto mo ay makukulong ka. Ngunit kung lalaban ka aba'y mapipilitan kaming patayin ka para maputol na ang kademonyuhan mo." In just a blink of their eyes naging bihag nito ang suspek. Napalipad nito ang hawak na baril at nalagyan pa ng posas. Ang pokpok? Nahimatay dahil sa bilis ng pangyayari. Kung may mithiin ang binata laban sa bihag nila ay mayroon din siya pero hindi niya akalaing aabot sa ganoong pangyayari. "Pakawalan n'yo ako! Mga hayop kayo!" Tungayaw pa ni Lorenzo pero sipa at hampas ng baril ang isinagot ni Clarence. "Sinabi ko naman sa iyo, Lorenzo! Siguraduhin mong mapatay mo ako dahil kung hindi ako ang papatay sa iyo," galit na wika ng binata at akmang ibabalik pa dito ang lahat ng pagpapahirap nito sa kanya sa loob ng ilang linggo. Pero ang kanina pa nanginginig ang kalamnan dahil sa nasaksihan ay hindi na nakapagpigil. Lumantad ito at nagsalita. "Kapag ginawa mo iyon ay ikaw ang makulong, ' Rence. Alam kong alam mo iyan. Gusto mo bang tuluyang mawalan ng ama si baby? Tama siya dala-dala ko ang mini-dragon mo according to your own family who use to call you dragon." Tinig na nagpabalik sa huwesyo ng binata. Kaso! Kahit kailan! Kahit saan! "Hep! Hep! Dahan-dahan, insan. Aba'y baka matuluyan kita riyan. Ayusin mo muna iyang sarili mo nang makauwi na tayo bago mo muling yakapin ang may dala kay mini-dragon." Sa kabila ng lahat, nagawa pang biruin ni Janellah ang pinsan. Kaya naman napailing na lamang ang binata pero itinuloy pa rin ang naunang hakbang. Lumapit siya ng tuluyan sa dalaga saka niyakap ng mahigpit. "I miss you, MaCon. And I love you, my precious." Hindi na inalintana ng binata ang sitwasyon. Naipagtapat na rin niya sa wakas ng pag-ibig niya rito na dapat sana ay noon pa. "Thank you, 'Rence. Dahil sa wakas narinig ko na rin iyan sa iyo. Mahal din kita," maluha-luhang sagot ng dalaga na tumugon sa yakap ng lalaking pinakamamahal. "Aysus ang cheesy naman ng mga ito, hala lakad na ng makauwi na tayo," pabirong sabad ni Janellah pero ang sa kanya lang naman ay mapatawa ang dalawa. "Gusto mo bang yakapin din kita, asawa ko?" Singit pa ni Jameston pero ismid lang ang napala. "Tsk! Tsk! Huwag ka ngang makasingit-singit diyan, honey pie. Moment ito ni Dragon. Kaya't pababain mo na ang mga snipers para ma-shoot to kill natin ang talipandas na iyan baka may balak pang manlaban," sabi ni Janellah na nakalimutan yatang may earpieces sila kaya nagulat ng nagsalita ang nasa kabilang linya. "Boss, nakahanda na ang lahat. Kayo na lang ang hinihintay namin para makaalis na tayo rito," anito. Ang nangyari? Imbes na isakay sa patrol car ang mga bihag ay itinali sa likuran at naglagay ng karatola na nagsasabing kriminal sila at huwag tularan. The new love birds? MAGKA-AKBAY silang sumunod sa pinsan ni Dragon na inakala nilang tapos na sa kalokohan pero hindi pa pala. "Mondragon, kailan ka pa naging walang modo? Aba'y kahit sa bayaw mo man lang sana pero wala ah. Hindi ka na ba marunong magpasalamat?" Nakataas ang kilay nito Kaya naman napahalakhak silang lahat. "Kahit naman hindi ko sabihin insan alam ko namang alam ninyo ni bayaw how lucky I am to have you both with your men, thank you so much insan, bayaw at sa buong team ninyo. God knows a word thank you is not enough to express my appreciation to all of you but still thank you so much," madamdaming saad ng binata. "Naging makata ka naman insan pero no problem dahil we belong into one blood at kahit nagkataon na hindi kita kaano-ano ay tutulungan pa rin kita. Bast8a alagaan mo ang mag-ina mo dahil kahit pa pinsan kita kapag ikaw ang nagloko ako mismo ang kalaban mo." Sa wakas ay naging seryoso rin ito. "Yes of course, my dear cousin nothing to worry." May ngiti sa labing sagot ng binata sabay akbay sa dalaga. Then.. They tracked their way to go home este sa tahanan ng mga Herrera kung saan naghihintay ang lahat sa kanila. KASO biglang may kumalabog sa kaniyang tabi. Hindi lang iyon, tinapik-tapik ng anak niya ang kaniyang pisngi. "Mommy, gising na po. Kanina ka pa po pinapagising ni Uncle Erick. Ang sabi po niya ay nandito na po tayo sa bahay ng mga Cohen," anito. Sa tinuran nito ay umayos siya nang pag-upo saka bahagyang iginala ang paningin. Tama naman ang Crown Prince. Maaring ilang taon siyang hindi umapak sa tahanan ng pamilyang minsan ay pinagsilbihan niya. "Okay, Sweetheart. Sige na, mauna ka ng bumaba at ayusin ko lang ang aking sarili. Nakatulog pala ako at nagkaroon ng mahabang panaginip," pahayag niya. Subalit sa isipan niya ay wala siyang maunawaan sa panaginip. Bukod sa sarili niya ay hindi niya kakilala ang mga taong sangkot sa napakahabang panaginip. "Okay, Mommy," tugon nito. Dahil ayaw din naman niyang magpaka-importante ay nagmadali rin siya sa pagsunod sa anak. 'FATHER God in heaven, please watch over us. Ituro mo po kung ano ang nararapat kong gawin,' pipi niyang panalangin kasabay ng pagbaba sa sasakyan. Kaso! Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nadulas siya at nag-landing sa malambot na kama este sa isang matipunong dibdib!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD