"HINDI ko tuloy alam kung ano ang sasabihin ko, Miss Valderama. Sam ako at iyan ang tawag ng karamihan sa akin maliban sa mga tauhan at kasamahan ko. By the way, bakit hindi ka nagparamdam noong nandito ka sa bahay? Ang sabi ni Mommy ay ilang buwan ka rin dito bago mo isinilang ang anak natin.
Dahil hindi matukoy ni Sam Colt ang nadarama sa oras na iyon matapos saluhin mula sa pagsimplang ng babaeng nakaulay halos pitong taon na ang nakalipas ay iyon ang nanulas sa kaniyang labi.
"Hmmm... Actually, mas nauna pang nalaman ni Peter Henrik na ikaw ang kaniyang ama kaysa sa akin. Noong sinabi niyang namukhaan ka niya o ang kasama ng nakapulot sa kaniyang kuwentas. Dahil hindi naman sumagi sa isip kong buksan ang pendant ng necklace. Iyan ang sagot sa tanong mo. Sa madaling salita ay hindi ko inakalang ang Ginang na tumulong sa akin upang makapag-settle down ay Mama mo pala. How about you, Mr Cohen? How have you been all those years? Simula noong umalis ako rito ay nawalan na ako ng balita sa mga kaganapan," tugon nito.
Well, kahit naman walang aamin sa kanilang dalawa ay siguradong kapwa sila nahihiya sa isa't-isa. Patunay na lamang ang kanilang kilos. 
"Kagaya nang sinabi ko noon sa iyo ay pananagutan ko ang nangyari sa atin. Ako ang taong hindi marunong magpasikot-sikot. Kaya't aaminin kong hindi ko pa masasabi na mahal kita. Ganoon pa man ay kung bibigyan mo ako ng pagkakataon ay hindi ka mahirap pag-aralang mahalin, Samantha."
Militar nga!
Always straight to the point!
SAMANTALANG sa pahayag ng kausap ay hindi napigilan ni Samantha ang pagkawala ng ngiti sa kaniyang labi.
"Bagay na bagay sa iyo ang iyong trabaho, Mr Cohen. Kaya't hindi rin ako magpasikot-sikot at mas hindi mag-inarte. 
Tama ka naman, nabuo si Peter Henrik dahil kapwa tayong nasa ilalim ng gamot. Kaya't sigurado rin namang hindi tayo nagmamahalan. Go and fulfil your duty as s Brigadier General and I will do the same. Dahil sa katunayan ay under process ang divorce papers namin ng asawa ko. At ayaw kong samantalahin ang kabutihan ninyong pamilya.
Nagsabi ang Crown Prince na mapadali ang separation namin ni Edward sa tulong  niya bilang heir to the throne. At kagaya nabg sagot ko sa iyo ay personal ko itong problema kaya't tatapusin ko na ako lang.
Tungkol naman sa ating pagbigyan ang ating mga sarili upang maging buo tayo ng anak natin ay oo naman. Kung kapwa pa rin tayong malaya after my divorce ay makuha mo ang sagot ko. Huwag kang mag-alala tungkol kay Peter Henrik dahil mabait itong bata."
Boom, panis!
Sona iyan, Miss Valderama!
Well, nagpakatotoo lang naman siya. Sinabi niya ang nilalaman ng kaniyang damdamin.
Kaso!
Nagulat naman siya dahil basta na lamang siya nitong niyakap ng mahigpit.
"Kung iyan ang desisyon mo ay aking igagalang, Samantha. Ngunit kailangan mo ring malaman ang tungkol sa amin ni Aiza. Kaya nandito ang mga prinsepe at mga kapatid ko dahil sa kasal kuno namin hinuli ang dalawa. Ibig sabihin ay hindi natuloy ang kasal namin. Ako na ang magsasabi kaysa sa ibang tao. Again, thank you very much for being honest," pahayag ng binata.
"Ang mahalaga sa akin ay respeto, Sam. Dahil kahit mahal ako ng isang tao kung walang respeto ay wala ring silbi. Vice versa, kahit mahal ko ang isang tao pero hindi ko naman kayang erespeto. Ngayon, nauunawaan ko na ang mga makahulugang salita ni Mrs Cohen. Applicable sa inyong pamilya," tugon niya ng sa wakas ay pinakawalan na siya nito.
SAMANTALA..."Huwag kayong magulo, Margarette  at Jenna. Kung may sasamahan man ang apo ko ay walang iba kundi kami ng Kuya ninyo!" irap ni Mrs Cohen sa nga anak na babae na panay ang harutan. 
Halatang tuwang-tuwa sa pamangkin. Sa katunayan ay gusto nila itong isama sa palasyo. Subalit mas humanga lang sila sa isinagot nito.
"Grandma, sabi po ni Mommy ay inseparable kaming dalawa. Kaya't sa kaniya po ako sasama. May little brother po ako, Grandma. Ngunit kailanman ay hindi ako gusto. Mas mahal pa nga nila ang stranger kaysa kay Mommy." Magalang nitong pagkukuwento.
"My grandson, kung sasama ka sa Papa mo ay ganoon din ang iyong Mommy. Ibig sabihin ay dito na kayong muli maninirahan. Huwag kang mag-alala, apo ko. Dahil igagalang naming lahat ang desisyon ng Mommy mo. We will shower you with love here. Lahat kami ay bubusugin kayong mag-ina ng pagmamahal. As long as we are all alive, no one will be able to touch or hurt you both," masuyong saad ng Ginang sa apo habang hinahaplos-haplos ang alun-alun nitong buhok na halatang minana sa amang madalas makulot ang ugali este talaga namang alun-alun buhok nito.
"Tama ang Grandma mo, anak. Maaring gusto ka naming isama sa palasyo ngunit kagaya nang sinabi ni Mama ay desisyon ng Mommy mo ang masusunod. At isa pa ay sigurado namang hindi papayag ang Papa mong malayo kayo sa kaniya. Mapaparusahan ang sino mang mananakit sa inyo."
"Grow up well, son. Alam naming hinubog ka ng iyong ina sa kagandahang asal patunay lamang ang pag-iingat mo sa kuwentas ng Papa mong kulot-kulot este alun-alun ang buhok. Nasabi na ng Mama Margarette at Grandma mo ang lahat kaya't ang lumaki kang may takot sa Diyos at magalang sa kapwa ang aking hiling."
Sunod-sunod pa na wika ng magkapatid na Jenna at Margarette.
Dahil dito ay kumalas ang batang si Peter Henrik sa abuela at yumakap sa mga tiyahin.
"Thank you po sa inyong lahat. May tatlo na po akong Mama at may Grandma. Ang sabi po ng dalawang Uncle ay Papa rin daw po ang itawag ko sa kanila. Dahil family daw po ni Papa. May big family na po kami ni Mommy. Sana po pumayag si Mommy na dito na po kami manirahan. Dahil sa place po ng younger brother ko ay sinasaktan nila kaming dalawa. Madalas ko pong makita na sinisigawan nila si Mommy. Sabi pa nila ay disgrace at pasanin daw po kaming dalawa sa pamilya nila."  Muli ay pagkukuwento nito.
NANG matapos magkasundo sina Samantha at Sam ay napagdesisyonan nilang bumalik sa kinaroroonan ng lahat. Dahil na rin sa kagustuhan nilang ipaalam sa mga ito ang kanilang napag-usapan. Subalit ang pahayag naman ng batang Cohen ang nadatnan nila. Maaring hindi nakikita ng una ang expression ng huli ngunit damang-dama niya ang pagtangis ng bagang nito. Hindi lang iyon, ramdam na ramdam pa niya ang pagkuyom ng palad nito. Kaya naman ay kaniya itong hinarap saka hinawakan sa palad.
"It's all in the past, Sam. Iyan ang isa sa gusto kong ayusin ng personal," aniya saka tinapik-tapik ang palad nitong hawak-hawak niya.
"Kakayanin kong huwag silang pagbalingan alang-ala sa inyong mag-ina, Samantha. Dahil kung ako lamang ang masusunod ay madali ko silang maparusahan. Ngunit irerespeto ko ang damdamin ninyong mag-ina at ang iyong desisyon," tugon nito sana bahagyang pinisil ang kaniyang palad.
Then...
"ANAK, may tiwala ka kay Mommy 'diba?" tanong ni Samantha sa panganay na anak.
"Yes, Mommy. Ikaw po ang best Mom sa buong mundo," tugon nito.
Kaya naman ay lihim siyang napangiti. Ganoon pa man ay sinupil niya iyon. Dahil kahit malalim ang pang-unawa nito at maagang namulat sa violence sa piling ng asawa at in-laws niya ay ayaw niya itong magpatuloy sa ganoong uri ng buhay.
"Anak, kailangan mong maiwan dito sa home ng Papa mo dahil may kailangan akong gawin. Huwag kang mag-alala dahil babalik ako kapag okay na ang lahat," pauna niyang sambit na kaagad ding sinundan ng binata.
"Tama ang Mommy mo, anak. Alam kong malalim na ang pang-unawa mo ngunit dahil anim na taong gulang ka pa lamang ay hindi mo pa kayang pangalagaan ang iyong sarili. Ang ibig kong sabihin ay kailangan mo ng private guards. Nandito man ako o wala ay may maghahatid-sundo sa iyo sa school at sasama kahit saan mo gusto. You are the most treasured child in our family. Kaya't kailangan natng pangalagaan ang iyong kaligtasan. Someday, pagbalik namin ng Mommy ay tayo ang dadalaw sa mga pinsan mo sa palasyo," pahayag nito.
Dahil sa pahayag nilang dalawa ay pigil hininga ang mga nandoon. Halatang tinatantiya kung ano ang maging sagot ng batang si Peter Henrik.
"I trust you all, Mommy, Papa, Grandma and two Mama. Dahil alam ko pong hindi n'yo kami sasaktan ni Mommy. Hihintayin ko po ang pagbalik ninyo rito sa piling ni Grandma."
Akala nila ay tapos na ito dahil tumigil na. Subalit mas namangha sila sa sumunod nitong hakbang. Mula pagkakatayo sa tabi ng abuela ay lumapit ito sa mga magulang.
"Gusto ko pong mabuo ang pamilya natin, Mommy, Papa. Dahil ayaw kong palaging tinutukso sa school. Wala raw akong ama. Kaya't huwag po kayong magtagal sa pagbalik," anito saka kinuha ang palad ng mga magulang sana pinagpatong.
"Ako ang hindi mahilig sa pangako, anak. Dahil kako baka mapako lamang ito. Still, para sa iyo ay gagawin ko ang lahat para sa iyo at ng Mommy mo," masuyong wika ni Sam saka inilahad ang mga braso tanda lamang na nais niya itong yakapin. Hindi naman siya nabigo dahil kusa itong naglambitin sa kaniya.
Nagpatuloy pa sila sa kanilang usapan na para bang hindi na magkikita pa dahil walang hanggan kung magkuwentuhan!
"BOSS? Walang problema sa trabaho. Pero..."
"Pero, ano? Kamo ay walang problema pero sa kilos at pananalita mo ay ayaw mo yatang maging personal guard ng anak ko ah. Sabihin mo lang at ipadala kita kaagad sa North Border sa lady General doon," taas-kilay na saad ni Sam.
Maaring madalang niyang makita ang kapwa opisyal sa Hilagang Boundary. Ngunit hindi siya manhid kung ano mayroon ang personal guard niya at ang lady general ng Sweden. Kaso siya naman ang nasamid sa sarili niyang laway ng sumagot ito. Ang dalawa ang latest version ng Tom and Jerry.
"Tsk! Ngayon pa lang ay tinatanggap ko na ang bago kong trabaho, Sir Brigadier General. Si Young Master Peter ang susundin ko sa anumang oras. Kaya't oras na rin upang magsanay ka ng bago mong guard. Dahil ngayon din ay lilipat na ako sa silid ni Young Master," tugon nitong hindi maipaliwanag ang mukha.
"Mamaya na, Lando. Dahil nandoon pa ang magiging asawa ko. Ikaw muna ang magsabi sa mga kasamahan nating maghanda na sila dahil anumang oras ay aalis na. Seriously, hindi dahil wala akong tiwala sa mga kasama mo kundi mas panatag ang loob ko na sa iyo ko ipagkatiwala ang mag-ina habang nasa trabaho ako." Mula sa mapanuksong salita ay naging seryoso rin sa wakas si Sam.
"Alam ko naman iyon, bossing. Subalit ikaw ang inaalala ko. Dahil kako mag-isa kang lalakad. Kahit ano namang trabaho ang ibigay mo sa akin basta kaya ko ay gagawin ko. Ngunit sa pagkakataong ito ay bukod sa nandito ang mag-ina ay hindi kaila sa atin kung ano mayroong ugali ang dati niyang asawa. Kahit nga ang ikalawang anak ay bastos. Still, mga sundalo tayo, Sir. At tungkulin kong protektahan ka," pahayag nitong hindi pa rin kumbinsado.
"Lando, dugo at laman ko si Peter Henrik. Ibig sabihin ay kapag maprotektahan mo siya ay ganoon na rin sa akin. Kaya't ipanatag mo na ang iyong kalooban. At isa pa, may ipapagawa ako sa iyo habang nandito ka. Ikaw ang mata at taenga ko habang nasa South Border ako. Ibig sabihin ay magkakaroon ka ng dalawang misyon. Una ang aking anak at itong folder. Ngunit kagaya nang sinabi ko ay priority mo ang anak ko." 
Wala ng ibang nakakaunawa sa kaniyang personal guard kundi siya. Kasama na niya ito simula noong nasa captaincy siya. Sabi nga nila ay mag-asawa silang dalawa. Kaya't imbes na sutil-sutilin ito ay nagsabi na lamang siya ng totoo. Kaso ganoon pa rin ilang sandali itong nanahimik bago tinanggap ang envelope. Alam naman nito ang ginagawa kaya't hindi na niya inisa-isa ang ipapagawa.
"With my life, I will fulfil my duties, Sir Brigadier General. Hand salute!" Tumayo ito at sumaludo sa kaniya.
"Carryon, Lando." Tumatango-tango siya bilang pagsagot sa saludo nito.
Ilang sandali pa silang nagpatuloy sa kanilang usapan bago sila tuluyang naghiwalay ng landas.
SAMANTALANG nabulabog ang pamilya Valderama dahil na rin sa kaalamang may nangahas na kumalaban sa lahat ng kanilang negosyo. Subalit mas gumuho ang  mundo nila nang lumantad ang taong kumalaban sa kanila!