"MAGSISIMULA na ang party, friend. Saan ka pupunta? Ilang minuto na lamang ay oras na para sa opening." Pagpipigil ni Alex sa kaibigang madilim ang mukha.
Well, hindi naman din niya ito masisisi kung bakit galit na galit. Bukod sa nasa paligid ang mga taong naging dahilan ng pagbulusok nito sa nakaraang taon ay binastos pa ang future in-laws nito.
"Don't worry, friend. Dahil sabi mo nga ay oras na upang simulan natin ang party. Nang dahil sa mga insektong nakakalat sa paligid ay nadisturbo na ang lahat," tugon nito saka nagsimulang lumakad patungo sa mini-stage na ginawang hagdan.
Kaya naman ay sumunod siya rito.
"Magandang gabi sa ating lahat. Oras na upang simulan natin ang pagtitipong ito. Kaya't ating tawagin ang panauhing pandangal sa ating party."
Pansamantalang tumigil si Samantha sa panimulang salita saka iginala ang paningin. Nang tumango-tango ang taong binanggit bilang pagsang-ayon sa pagsimula ng party ay muli siyang nagpatuloy.
"Your Royal Highness, Crown Prince Erick---"
"SAMANTHA VALDERAMA! Utang na loob! Bumaba ka riyan! Hindi ito oras ng pakikipaglokohan!" sigaw ni Lucas na sinang-ayunan ng ama.
"Kung gusto mong mas ilublob ang iyong sarili sa putikan ay huwag mo kaming idamay, Samantha! Hindi ito oras ng pagpapakitang gilas. Kaya't bumaba ka na riyan kung ayaw mong ipakaladkad kita sa mga guwardiya!" malakas din nitong sabi.
Kaso hindi niya iyon pinansin bagkus ay nakangiti siyang nagpatuloy. Kahit sa kaloob-looban niya ay talagang kumukulo na.
Pero, teka lang!
Kailan pa naging maiksi ang kaniyang pasensiya?
"Sa atin po na nandito. Welcome kayong lahat para sa pagtitipong ito. At ating pakinggan ang panimulang salita mula sa ating Crown Prince." Pagpapatuloy niya.
"KAGAYA nang sinabi ni Mr Valderama, maari ka ng bumaba riyan, Samantha. Baka matulungan pa kitang kausapin ang lady C.E.O upang huwag kang parusahan. Gagawin ko iyan alang-ala sa dati nating pinagsamahan," pahayag pa ng dati niyang asawa.
Ngunit kagaya sa naunang reaksyon o ang naging paliwanag ng ama ay kibit-balikat lamang ang itinugon bago nagpatuloy sa pagsasalita.
"This party for everyone, guys. Kaya't huwag n'yo sanang panghawakan ang salita ng dalawang pamilya. Kaya't ating e-welcome ang isa't-isa." Pangaral niya.
"Ano ba, Samantha?! Wala ka na ba talagang kahihiyan kahit kaunti? Ayaw mo ba talagang paawat sa binabalak mong iyan? Huwag mong sayangin ang pagkakataong nasa harapan mo! Idamay mo pa talaga ang Crown Prince ng bansa eh. Hah! Ikaw? Kilala mo ang first in line heir? Hindi ka na nakakatuwa, Samantha!" malakas na saad ni Daniel.
"Sasabihin ko sa una at huling pagkakataon, Samantha. Bilang ama mo ay bumaba ka na riyan at humingi ng paumanhin sa mga taong nandito. Baka sa hakbang mo na iyan ay matulungan pa kita."
Sa unang pagkakataon simula pumasok sila sa bulwagang iyon at nakita ang anak na nawalay ng mahigit pitong taon ay sa oras na iyon lamang nakuhang nagsalita ni Don Fausto.
"Tama sina Daddy at Big brother, Samantha. Magkaroon ka naman ng kaunting kahihiyan. Kung ayaw mong tuluyang masadlak sa putikan ay makinig ka sa aming lahat!" pagtutungayaw pa ni Mayla at akmang susugurin ang mortal na kaaway sa mini-stage na gawa sa hagdan. Subalit humarang ang hindi nila nakikilalang Crown Prince.
"KUNG mayroon mang nararapat na manahimik ay walang iba kundi kayong pamilya Valderama at Carlsen hindi ang hipag ko---"
Kaso ang ingrata ay hindi pinatapos ang Crown Prince.
"At sino ka naman upang patahimikin at paalisin kami? Who the h*ll are you to interfere in a family problem? Kanina ka pa ah. Maari bang alamin mo ang iyong lugar?!" sigaw nito.
Kaso!
Pak!
"Mahaba-haba ang pasensiya ko, babae ka. Ngunit pagdating sa mga taong tulad mo ay kasing-iksi lang ng pilik-mata ko. Sino ako? Hah! Ang pamilya ninyo lang yata ang hindi nakakalilala sa akin eh. Sino ang katabi kong binabato ninyo ng kung ano-anong salita? Hah! Siya lang---"
Subalit hindi pa rin nagawang tapusin ng Crown Prince ang nais sabihin. Dahil ang katabi mismo ang nagpatigil at ito ang nagpatuloy.
"Huwag mo ng sayangin ang laway mo sa mga taong punong-puno ng hangin, Your Highness."
"Tandaan ninyo nag pagmumukhang ito dahil baka makita n'yo ako sa korte. Pero alam kong kagaya ng Crown Prince natin ay may nakakamukha sa akin dito. Subalit sa ngayon ay ating paki---"
Kaso araw yata ng putulan ng pananalita. Dahil nagputulan talaga sila ng sinasabi.
"MAGANDANG GABI sa ating lahat. Pasensiya na po kayo sa kumosyong ito. Ngunit kagaya ng nasimulan ng ating panauhing pandangal ay nararapat lamang na simulan na natin ang party."
Pansamantalang tumigil sa pananalita si Alex saka bahagyang lumapit sa kaibigang mukhang nais ng matulog.
"Gusto n'yo bang makita at makilala ang lady C.E.O natin?" tanong niya saka bahagyang itinaas ang hawak-hawak na mikropono tanda lamang na naghihintay ng sagot mula sa mga kapwa negosyante.
"YES! We want!" The audience said in unison, including the two ingrate family.
"Your Royal Highness and Brigadier General Cohen, will you come forward, please? Kayo ang nararapat na magpakilala sa ating lady C.E.O dahil kayo ang panauhing pandangal sa pagtitipong ito," pahayag niya saka itinapat ang microphone sa kinaroroonan ng dalawang taong binanggit.
Tuloy!
Sabay-sabay na walang sablay na napatingin ang mga nandoon sa gawi ng mahahalagang tao!
"Your Royal Highness?"
"Brigadier General? Kung ganoon ay ikaw ang ama ng aking apo? Ibig sabihin ay---"
"Don't be mistaken, Mr Valderama. Kung nais mong magpakitang gilas sa akin ay walang silbi. Matagal ko ng kilala ang tulad mo at mga ANAK mo." Ismid at pamumutol din ng BG sa hindi makapaniwalang ama ng pinakamamahal na babae.
"At kayong pamilya Carlsen, just wait and see the retributions of your evil acts including them. Dahil ang pagtitipong ito ay aming ihinahandog sa lady C.E.O na inyong pinakahihintay." Taas-kilay ding binalingan ng BG ang halatang nalunok na nag dila o ang mga Carlsen.
Then...
"Let's all welcome the renowned and young lady C.E.O. Let me present you, Miss Samantha Valderama." Masayang pagpakilala ng Crown Prince sa lady C.E.O
Ayon!
Tuluyan nang nag-ingay ang madlang nakapaligid. Kung mayroon mang tahimik dahil nalunok ang dila ay ang mga pamilyang inggrata!
Kaso!
Bago pa man maabot ng Lady C.E.O ang mikropono na iniaabot ng Crown Prince ay muli silang nagkagulo-gulo!
Ano na naman?!