CHAPTER EIGHTEEN

2052 Words
"SINO po kayo? Bakit n'yo po ako itinulak?" maang at bakas sa boses ni Peter Henrik ang pagkagulat at sakit. "Tama naman ang apo ko. Ano ba ang kasalanan niya at basta mo siya hinablot at itinulak?" tanong din ni Mrs Cohen. "Bulag ka ba o nagbubulag-bulagan, Mrs? Hah! Hindi mo ba nakitang binanangga niya ako kaya't nadumihan ang aking damit! Bago ko kayo ipadampot sa mga pulis ay lumuhod kayong mag-lola sa aking harapan at humingi ng paumanhin. Ngayon na!" sigaw ni Mayla. Dahil sa sunod-sunod na kumusyong kinasangkutan ng mag-lola kahit hindi nila gusto ay nakatawag na sila ng pansin sa ibang nandoon. 'Ano bang kamalasan ng dalawang iyan. Kanina ay sa main door ng hotel at ngayon naman ay dito sa loob.' 'Tama ka, friend. Namukhaan ko silang dalawa. Ang pamilya Carlsen ang nakasagutan. At ngayon ay pamilya Valderama. Si Miss Mayla Valderama iyan. Ang nag-iisang anak na babae ng pamilya.' 'Tsk! Tsk! Mukhang sila pa ang magdudulot ng kahihiyan sa lady C.E.O eh. Bali-balita pa naman sa business world na maganda ngunit strikto ito.' 'Ah, bahala silang mag-lola, friend. Sila rin naman ang gumawa ng kanilang kahihiyan. Kaya't nasa kanila rin kung paano nila lusutan iyan.' "Ano ba?! Gusto n'yo ba talagang ipadampot ko kayong dalawa sa mga guwardiya? Malapit ng magsimula ang party ngunit dahil sa kawalang-hiyaan ninyong dalawa ay nasira ang damit ko!" muli ay pagtutungayaw ni Mayla. "Nagkakamali ka po, Madam. Hindi po kita binangga. Ikaw po ang nakaharang sa daan. Kinalabit ko po ang iyong palad upang ipaalam sana sa iyo na makikiraan kami ni Grandma. Ngunit ipiniksi mo po ako ngunit sa damit mo ako nabagsak," paliwanag ni Peter Henrik. "Abah! Aba'y ang bata-bata mo pa pero palasagot ka na! Iyan siguro ang itinuro ng magulang mo ano? Ngayon kung gusto mong manatili sa party na ito at makapagbalot ng pagkain na iyong madala sa pag-uwi ay humingi ka ng sorry sa akin. Ngayon na!" sigaw pa ni Mayla saka akmang duduruing muli ang pitong taong gulang na si Peter Henrik. Dahil dito ay hindi na rin napigilan ni Mrs Cohen ang personal bodyguard ng anak na ipinasa sa apo. Bago pa man niya ito maharang man lang sana ay dumapo na ang palad sa babaeng walang kasing bastos. "Isang masamang salita pa laban sa Young Master ko at ang Camp Citadel na mismo ang mag-aresto sa iyo! Remember! Denmark has several military facilities, including historic sites like the Citadel in Copenhagen and Battery Hanstholm, as well as active air bases such as Karup and Værløse. The Citadel is a historic fortress and current military barracks, while Værløse is a former air base that is now a recreational area. Wala kayong karapatang saktan at paratangan ang kahit sino ayon lamang sa bunganga!" malakas na sabi ni Lando. Kaso si Daniel naman ang sumabad. "HOW dare you to disrespect my sister? A mere person like you doesn't have a right to look straight to her. Guwardiya ka lang! Kaya't tandaan mo ang iyong lugar!" anito na kulang na lamang ay sakmalin ang kausap. "Hmmm... Pamilyar ka sa akin bata. Parang nakita na kita noon subalit hindi ko maalala kung saan." Baling pa nito sa batang si Peter Henrik na halatang takot na takot. Patunay lamang ang pagtatago sa likuran ng abuela. Kaso kung iyon ang nasabi ni Daniel ay iba ang kapatid na si Lucas. "Natural na pamilyar siya sa iyo, brother Daniel. Alam mo kung bakit? Kamukha ni Samantha ang batang iyan. At sigurado akong iyan ang nakuha niya sa lalaking hindi kilala. Ibig sabihin ay ang batang walang modo na iyan ang bastardo ng kahihiyang iyon!" Mapang-insulto na nga ay sinadya pa yatang isigaw ang bawat salitang binitiwan upang marinig ito. "What? Totoo ba iyan, Hijo? Pero ano ang ginagawa ng batang iyan dito at kasama pa si Mrs Cohen?" maang namang sabi ni Don Fausto. Dahil dito ay si Ginang Cohen na mismo ang nagsalita habang yakap-yakap ang apo na halatang natatakot. Bahagya niyang tinapik sa balikat ang guwardiya ng apo na si Lando na lilihis saglit. "HINDI ko man alam kung ano ang kuwento ng buhay ninyong mga Valderama ngunit isa lang ang natitiyak ko. Hindi bastardo at hindi pinabayaan ng ama ang aking apo. Kaya't bago ko kayo ipakulong lahat dahil sa paninira at pang-aalipusta sa kanilang mag-ina ay lubayan n'yo kaming mag-lola," aniya. Subalit nagtawanan lamang ang mga ito kasama ang kanilang alipores. "Kung ikaw ang apo ng bastardong iyan ibig sabihin ay inako lamang ng mga Cohen ang pangalan. Ngunit kung hindi ako nagkakamali ay Valderama ang gamit niya. Naturally, bastardo siya dahil hindi dala-dala ang pangalan ng ama---" Subalit ang mapang-insultong pananalita ni Mayla ay hindi na natapos. Dahil muling dumapo ang palad ni Lando. "Binalaan na kita kanina, Miss. Hindi lang sampal ang mapapala mo kung magpatuloy ka sa pambabastos sa kanila. Kilala mo lang sila sa pangalan ngunit wala kang kamalay-malay kung sino-sino sila at higit sa lahat ay kung ano ang kaya nilang gawin sa tulad mong walang modo!" malakas nitong sabi. Kaso! "TAMA! Naalala na kitang lalaki ka! Halos isang taon na ang nakalipas ngunit tandang-tanda ko ang pagmumukha mo. Ikaw iyong kasama ng tumulong sa bastardong iyan at dati kong asawa. Sa harapan mismo ng paaralan kung saan nag-aaral dati ang bubwit na iyan. So, masarap ba siyang mangromansa? Wild ba siyang makipagtalik sa iyo? Oh, saan na pala kayo nakatira sa kasalukuyan? Ah, alam ko na. Kahit saan basta may harang kayo ay nagyuyugyugan kayong dalawa. Sigurado akong buntis na naman ang babaeng iyon." Isang salita, isang ismid! Bawat salitang binitawan ni Edward na basata na lamang sumabad sa usapan ng mga Valderama at grupo ni Mrs Cohen ay bakas na bakas ang pamamahiya at pang-iinsulto. Tuloy! "HEY, man! Saan ka pupunta? Aba'y nakulot na naman ba ang curly hair mo?!" malakas na sabi ni Crown Prince Erick sa kaibigang nagmistulang nasa actual battle. Bukod sa basta ito napatalon sa may kataasang hagdan para lang makarating agad sa kinaroroonan ng anak ay kasing-dilim pa ng gabi ang mukha. 'D@rn! Galit nga ang loko! Aba'y baka mas mapahamak dahil dito!' Lihim niyang ngitngit. Kaso! "Mga edukado naman kayong lahat sa pagkakaalam ko, people! Ngunit alam n'yo bang sa pananalita n'yo pa lamang ay dinaig ninyo ang mga taong lansangan na walang pinag-aralan!" malakas at mabalasik na saad ni Sam nang nakalapit sa mga pangahas na nilalang. "Daddy! Nandito ka rin pala? Ang sabi po ni Uncle Lando nasa trabaho ka pa," salubong na sabi ng anak. "Yes, son. Dahil kasama ko ang Uncle Erick mo. Ngunit doon ka muna kay Grandma mo dahil may kailangan lang akong ayusin." Baling niya rito at pagbigyan sana ang paghalik sa kaniyang pisngi. Subalit hindi iyon nangyari. Dahil ang 'kapatid' nito ay basta na lamang lumapit at sinipa ito. Kaya naman ay napasadsad sa kaniyang paanan. Tuloy! Walang babala niya itong itinulak! "Bata, wala sa bukabularyo ko ang pumatol sa paslit na tulad mo. Ngunit ang bastusin at saktan ang aking anak sa harapan ko ay ibang usapan. Say sorry to him and I'll let you go. Now!" sigaw niya. Ngunit imbes na matakot ito ay dinuro-duro pa ang anak niyang nakayakap sa binti niya. "Isa!" "Ako? Magso-sorry sa pulubi na iyan? Hah! No way! Magnanakaw na nga ay walang-hiya pa. Ayan nga eh! Suot-suot pa niya ang ninakaw niyang kuwentas. Siya dapat ang mag-sorry sa amin nina Papa Dahil naging pasanin silang dalawa ni Mommy!" walang galang nitong tugon. "Pagsapit ng ikatlo kong bilang at hindi ka pa mag-sorry sa anak ko ay sa kulungan ang bagsak ninyong pamilya! Magnanakaw? Mula noon hanggang ngayon ay iyan ang sinasabi ninyong lahat laban sa mag-ina ko! Hah! Family heirloom ang tawag diyan, st*p!d! Ibinigay sa akin ni Papa at ibinigay ko naman sa Mommy ni Peter Henrik at ngayong maari na siyang magsuot ng alahas ay ipinasuot na!" Dulot na rin ng galit sa mga taong walang magawa sa buhay ay napalakas na rin ang kaniyang tinig. Wala siyang pakialam kung natakot ang bata dahil nagtago sa likuran ng ama. "Mr, dahan-dahan lang sa pananalita. Hindi ka ba nahihiyang pumatol sa paslit na tulad niya?" panggagatong pa na tanong ni Annie. "Two! Foolish! Para sa inyong lahat na nandito ang mga salita ko! Akala ko ba ay alam ninyong pag-aari ng mga Cohen ang kuwentas na suot-suot ng anak ko? Hah! Upang sabihin ko sa inyo ay niloloko n'yo lang ang mga sarili ninyo! Listen carefully to what I will say, people! Ang kuwentas na nasa leeg ng anak ko ay ipinapasa sa bawat lalaki sa aming henerasyon. Mula pa sa aking abuelo. Ah, kung itatanong ninyo kung sino ako ay ako na mismo ang magpakilala. Sam Colt Monteverde Cohen ang buo kong pangalan. Ibig sabihin ay isang legal na Cohen si Peter Henrik Valderama Cohen!" Oh, what an outburst, Sir Brigadier General! Kaso! Imbes na mahiya at matakot ang mga taong walang magawa sa buhay ay nakangisi pang lumapit si Edward. "So, ikaw pala ang sumalo sa tira-tira ko? Oh, forgot to mention that she have lost her virginity before I met her. Ibig sabihin ay hindi lang tayo ang gumalaw sa kaniya. Tama ba ako?" wika niyang sinabayan ng halakhak. Tuloy! Nahawa o sadyang nakipagsabayan ang mga alipores ni Lucifer. Pamilya Valderama at Carlsen! Ngunit ang ibang mga nandoon ay nagmistula ng nanonood sa sinehan. Dahil tahimik sa kani-kanilang kinatatayuan. Halatang nagmamasid kung ano ang susunod na mangyari. "Tama nga naman si Mr Carlsen, Mr Cohen. Kaya nga pinalayas ni Daddy ang babaeng iyon dahil nagbuntis na hindi man lang ala kung sino ang nakabuntis. Ang galing din niya eh. Sa isa pang prestigious family kumapit at ipinaako ang ipinagbuntis. Well..." Naka-crossed arms pa na panggagatong ni Mayla sa dating asawa ng mortal niyang kaaway. "Kagaya nang sinabi ko sa paslit na iyon kanina ay hindi ako pumapatol sa mga babae at mas hindi nananakit. Ngunit ang tulad mo at ang kapwa mo sira-ulong iyan ay babaliin ko ngayon din. Wala kang karapatang pagsalitaan ng masama ang kahit sino lalong-lalo na ang mahal ko! Paano naging Cohen si Peter Henrik kung hindi ako ang ama? Nasa tamang pag-iisip pa ba kayong lahat o nagmamaang-maangan?" Salubong ang malalago at maitim na kilay ni Sam Colt nang binalingan ang impostor! Kaso! "KAILAN ang pangatlo mong bilang, brother? Aba'y tinalo mo na ang mga lawyers at ministers ng bansa natin sa lakas ng boses mo ah. Ah, alam ko na. Na-miss mo na ba sng battlefield kaya't ang mga UNETHICAL PERSON na ang pinagbalingan mo? Hmmm, kung ganoon man ang sitwasyon ay kailangan na nating bumalik sa palasyo at hingin sa amang hari na bawiin ang home based promotion mo." Biglang sumulpot! Ngunit nagawa pa ang mang-asar! Ngunit hindi hinintay ni Crown Prince Erick na makasagot ang matalik na kaibigan bagkus ay yumuko upang pumantay sa pamangkin ng asawa o ang anak ng matalik na kaibigan. "Anak, nandito ngayon sa bayan ang mga Ate mo sa amin ng Mama Jenna mo. Magpasama ka sa Uncle Lando mo upang dalhin ka roon. Hindi nababagay ang tulad mo sa mga polluted ang isipan. Huwag mo ng alalahanin ang Daddy mo dahil mauunat din ang nakulot na buhok," aniya. Ngunit lihim ding umaasa na huwag ng tumututol ang matalik na kaibigan. Dahil mayroon siyang nais gawin na hindi maaring masaksihan ng batang tulad ng pamangkin. He have witnessed more than enough. At sapat na iyon upang kumilos siya bilang Crown Prince ng bansa nila. "Nararapat lamang na umalis ang hampas-lupang iyan dito---" "Bata, iyan ba ang ugaling itinuro ng mga magulang mo sa iyo? Hmmm... Hindi naman ganyan ang ugali ng 'Mommy' Samantha mo. Ah, bata ka pa pala upang maunawaan ang nais kong sabihin." Nakaismid na baling ni Crown Prince Erick sa walang modo at bastos na batang si Martin Thomas. "C-crown Prince? Ikaw nga ba iyan?" Paninigurado ng isang negosyante na maaring namukhaan ang first in line heir to the Denmark throne. Pero! Wala pang nakasagot at mas walang nakapagsalita sa kanilang nandoon ay umalingawngaw ang tinig sa buong sulok ng prestigious hotel. Kaya naman ay natuon ang atensiyon nilang lahat sa entabladong ihinanda para sa okasyong iyon. Stairs designed, by the way. Subalit ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata nila nang napagsino ang nasa entablado!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD