CHAPTER SEVEN

1410 Words
"IKAW, hinamon ako ng divorce? Hah! Tama! Anak mayaman ka, Samantha. Ngunit huwag mong kalimutang itinakwil ka ng mga magulang mo dahil sa batang iyan. Nagbuntis ka na nga bago ang kasal ay hindi mo pa kilala ang ama ng batang iyan. Akala ko nga sy magbabago ka kapag itatayo ko ang dignidad mo ngunit mas lumala ka pa yata. At ngayon naman ay may gana kang magsabi ng diborsiyo? Hah! Nababaliw ka na ba talaga, Samantha?!" Tumatawa habang nagsasalita si Edward Carlsen. Hindi lang iyon, malademonyo pa itong lumapit sa asawa at dinuro-duro. "Kung saan man kami mapadpad na mag-ina paglabas namin sa bahay na ito ay wala ka ng pakialam, Edward. Bukas na bukas ay mag-file ako ng mutual divorce. Huwag kang mag-alala dahil hindi ako makikialam sa custody ni Martin Thomas. Nasa iyo ang buong kustudiya." Hindi nagpatinag si Samantha. 'Kung noon pa sana ako nagdesisyon na hiwalayan ang taong ito ay hindi ko dadanasin ang ganitong pagkapahiya. Wala silang kaalam-alam na ako ang back bone ng asawa ko sa kaniyang pag-abante,' aniya sa isipan. "Mama, saan po tayo maninirahan kung aalis tayo rito? Sasama po ako sa iyo kahit saan, Mama," nakatingalang wika ng anak niyang panganay. "Yes, anak. Aalis tayo bukas ba bukas. Huwag kang mag-alala dahil hindi ka iiwan ni Mama. Halika na sa taas. Kailangan nating mailigpit ang gamit natin---" Kaso hindi niya iyon natapos dahil lumapit sa kaniya ang mother in-law. "Tsk! Tsk! Pera ng anak ko ang ibinili ninyo sa kahit anong mayroon kayo, ingrata! So, on what ground that you are taking it with you? Kung ano ang dala-dala ninyong mag-ina noong ikinasal kayo ay iyon din ang dasalhin ninyo," nakaismid nitong wika. "Tama naman si Tita, Samantha---" Dulot ng galit ay hindi na pinatapos ni Samantha ang pananalita ng babaeng wala na yatang ginawa kundi ang sumabad sa pampamilyang problema. Bagkus ay walang pasabing sinampal ito. Hindi lang iyon, sinabunutan niya ito. Nagmistulang pandikit ang palad dahil dumikit ito sa buhok nito. "Ikaw na outsider sa pamilyang ito ay huwag mong kalimutan ang lugar mo! Kinakapatid ka ni Edward samantalang asawa niya ako! Kung problemang pampamilya ay wala kang karapatang sumabad!" Isang salita ay katumbas bg mag-asawang sampal habang ang palad ay nakasabunot pa rin sa buhok nito. Kaso! "Wala kang karapatang saktan si Auntie Annie! I hate you! Bitawan mo siya!" "Papa! Tulungan mo si Auntie Annie! Palayasin mo na sila rito sa bahay! Bilisan mo po!" Hindi magkandatutong pahayag ni Martin Thomas na hindi malaman kung kanino maunang magpasaklolo. Kung sa ama ba o sa mga grandparents. SA tinuran ng anak ay nabitawan ni Samantha ang buhok ng kinakapatid ng asawa. Subalit iyon naman ang malaki niyang pagkakamali dahil bukod sa itinulak siya ng babaeng wala na yatang magawa sa buhay ay sinipa pa siya ng asawa ng paulit-ulit. "Tama na po! Huwag n'yo na pong saktan si Mommy! Aalis naman po kami eh. Parang-awa n'yo na po!" Pagmamakaawa ni Peter Henrik. Kaya naman imbes na harapin ni Samantha ang asawa at mga in-laws na abala sa pagsasasalita ng masasama laban sa kaniya ay ang anak na panay ang pagmamakaawa ang binalingan. "Huwag kang magmakaawa sa kanila, anak. Dahil wala ring silbi. Hayaan mo dahil simula bukas ay hindi na natin sila makikita. Tulungan mo akong makatayo, anak. Kailangan nating makuha ang sarili nating gamit," aniya. "Sabi ko namang pera ng anak ko ang pinambili ninyo sa---" Subalit ang pagsalungat sana ng matandang Carlsen ay pinutol ni Edward. "Hayaan mo na sila, Mama. Total desidido namang makipaghiwalay sa akin. Ayaw mo ba iyon? Bawas silang mag-ina sa palamunin at pasanin ko. Alalahanin mong isa akong CEO at naghihintay ng merging sa mga Valderama," pahayag niya. Dahil sa tinuran nito ay lihim namang napakislot si Samantha. Ganoon pa man ay hindi siya nagpahalata. 'Just keep on dreaming, Edward! Subalit ipinapasigurado kong babagsak ka at walang merging na mangyayari!' pipi niyang sambit. Awang-awa siya sa panganay na anak. Dahil kahit matangkad ito sa edad na anim ay walang pamana sa adult na tulad niya. Ganoon pa man ay ginawa nila ang lahat para lang makarating sa silid-tulugan nilang mag-ina. Habang pinagmamasdan niya ang anak na kung tutuusin ay wala pamg kamalay-malay sa mundo dahil anim na taong gulang pa lamang ito ngunit dahil sa half-brother at in-laws niya idagdag pa ang asawa niya ay maagang namulat sa mga bagay-bagay. 'Halos pitong taon na ang nakalipas simula nangyari ang bagay na iyon. May asawa na kaya ang ama ng anak ko? Kung hindi ako nagkakamali ayon na rin sa kuwentas ay nanggaling ito sa military family. Hindi ito basta-basta kuwentas---' "Mommy, tapos ko na pong ligpitin ang mga gamit ko. Ikaw din po, Mommy. Dahil baka madatnan na naman nila tayo. Wala po akong kinuhang ibang gamit maliban sa mga binili mo." Tinig ng anak ang nagpabalik sa kamalayan niya. "Yes, Sweetheart. Basta huwag na huwag mong iwaglit ang kuwentas mo. Dahil iyan ang susi natim upang mahanap ang Papa mo," tugon niya saka bahagyang hinaplos-haplos ang alun-alun at itim nitong buhok. "Suot-suot ko po, Mommy. Kamuntikan pong mawala kanina mabuti po at mabait iyong mama dahil ibinalik sa akin. Sige na po, Mommy, tutulungan na lamang po kita upang mabilis ang iyong pagliligpit," anitong muli. Kaya naman ay hindi na siya nagsalitang muli. Saka na lamang niya ito kakausapin tungkol sa kuwentas. SAMANTALA sa tahanan ng mga Cohen. "Really? Wow! Maraming-maraming salamat sa iyo, Sam. Dahil sa kabila ng mahabang panahon ay narinig ko na rin ang mga katagang iyan mula sa iyo. I love you!" Tuwang-tuwa si Aiza dahil na rin sa pagsabi ng kasintahan na ikakasal na sila at magaganap iyon bago ito bumalik sa trabaho sa South Border. "Yes, Zai. Kaya't ibalita mo na iyan sa pamilya mo. Ngunit kailangang ipaunawa mo sa kanila na gaganapin ang kasal dito sa lugar namin. Alam mo namang si Mama lang ang nandito. I can give you the best wedding that every woman needs but please be considerable---" Subalit hindi na iyon pinatapos ni Aiza bagkus ay idinantay ang dalawang daliri sa labi ng lalaking maging susi para sa pag-abante niya sa buhay. Ito nga rin ang sumuporta sa kanilang mag-ina kaya't nakapagtapos siya ng nursing at nasa private school ang anak niya. "My love, hindi naman ako naghahangad ng bonggang kasal. Dahil ang sa akin ay makasal sa iyo ay sapat na. Kako bakit hahanapin ko pa ang marangyang buhay kung hirap naman ang kapalit. Kaya't kahit simpleng kasal ay masaya na ako. I love you, Brigadier General Sam Colt Cohen," masuyo niyang sambit bago tinanggal ang daliring nakatakip sa labi ng kaharap saka yumakap ng mahigpit. SAMANTALA lihim na napapangiwi si Sam Colt dahil sa mga binitawang salita ng babaeng parang lintang nakayakap sa kaniya. 'Tsk! Tsk! Kung hindi ko lang siguro alam ang tungkol sa debauchery mong babae ka ay malamang mapaniwala mo na ako! Kaya't magpakasaya ka na dahil nabibilang na ang araw mo rito sa bahay. Hindi ang tulad ninyong mag-ina ang magdadala sa pangalan ko!' Lihim niyang ngitngit. "Maraming-maraming salamat, Zai. Dahil sa katunayan ay noon pa sana tayo ikinasal kung hindi dahil sa pagkaroon ko ng amnesia. Ikaw nga itong malaki ang sakripisyo sa akin at kay Mama," bagkus ay pahayag niya. "My love, bilang mamamayan, isang nurse, at kasintahan mo ay tungkulin kong alagaan kayo ni Mommy. Kaya't wala kang dapat ipagpasalamat sa akin," tugon nito. Maaring hahalik siguro ito sa kaniya subalit hindi ipinahintulot ng langit. Dahil bago pa man nito maabot ang labi niya at maingay na dumating ang anak nito. Kaya naman ay lihim siyang nagbunyi dahil dito. MAKALIPAS ng ilang sandali, nang nasigurado ni Sam na tulog na ang lahat ay tinungo niya ang balkonahe ng sariling silid at pumito. "Yes, Sir BG. Ano po ang maipaglilingkod ko?" kaagad na tanong ng bodyguard niyang naging invisible na yata. Basta na lamang sumulpot! Pero siya ang may kailangan kaya't tinaasan na lamang niya ito ng kilay. "Maghanda ka, Lando. Oras na rin upang harapin ko si Erick. Ayon kay Mama ay nandito sila sa lugar natin dahil sa political issues. Maaring hindi pa sila pumarito ngunit siguradong dadalaw silang mag-asawa. Hindi ko lang alam kung nakarating sa kanila na nandito ako---" Kaso! Hindi pa niya natatapos ang sinasabi ay nabulabog naman sila ng pagkalakas-lakas na alulong ng aso na sinundan ng nakakabinging pagtahol ng mga guard dog ng kabahayan! Tuloy! Para silang magkaaway na magkaibang panig ang tinahak!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD