CHAPTER EIGHT

2034 Words
"TSK! TSK! Ilang taon mo akong iniwasan at ngayon namang hinarap mo ako ay kulang na lamang ay iyong ibalibag," nakangising wika ni Crown Prince Erick. "Ay hindi pa ba pagbalibag iyon, Your Highness?" Panggagatong pa ng personal guard nito. Subalit hindi iyon pinansin ni Sam. Dahil sa kabang sumalakay sa kaniyang pagkatao na baka may masamang nangyari sa mga tao sa pamamahay nila ay napasimangot siya. "Big brother, maari bang ngumiti ka naman? Aba'y mukhang hindi ka natutuwa na dumalaw kaming mag-asawa," saad pa ng second sister niya. "My wife, talagang hindi natutuwa si best friend na nandito ako---" Wala naman siyang balak manahimik habang-buhay! Ngunit paano siya makasagot at ipahayag ang kaniyang saloobin samantalang para silang mga negosyanteng nag-aagawan ng costumer? Tsk! Tsk! Kaya naman ay hindi na niya pinatapos ang nais sabihin ng matalik na kaibigan at Crown Prince ng bansa nila. "Naka-record ang sunod-sunod ninyong pananalita at iyan ang proweba kong hindi n'yo man lang ako binigyan ng pagkakataong makapagsalita. Kaya't kung ayaw ninyong palayasin ko kayo ngayon din ay dahan-dahan lang din upang magkaunawaan tayo---" Kaso! Pinutol niya ang pananalita ng kaibigan ay ganoon din sa kaniya! Naudlot ang nais niyang ipabatid dahil basta na lamang siyang binuhat ng personal guard niya kasama ang mga guards ng kaibigan! "Ibaba n'yo ako! Ano ba?! Nakakabulahaw na kayong lahat!" Napasigaw tuloy siya at nakalimutan kahit siya nakakadisturbo na sa mga tulog! "Miss ka lamang nila, anak. Kaya't pagbigyan mo na sila. Huwag kang mag-alala sa mag-ina. Dahil wala sila. Alam mo namang excited silang dalawa sa nalalapit ninyong kasal ni Aiza. Nagpaalam naman sila sa iyo na dadalaw sa mga magulang," pahayag ng basta na lamang ding sumulpot o si Mrs Cohen. Pero! Sa pahayag ng Ginang ay nakalimutan yata ng mga guards na Brigadier General ang buhat-buhat! Dahil kung basta siya binuhat ay ganoon din sa pagbitaw! Tuloy! Nabagsak at nasadsad sementadong sahig ang kaawa-awang BG! "Susme! Kapag hindi ako makabalik sa South Border o makapag-report kay Sir General ay kasalanan ninyo! Hindi nga ako namamatay sa bala ng mga kalaban ngunit kayo mismo ang gumagawa! Tsk! Oras na mabalian ako ng buto ay kayong lahat ang ipadala ko roon!" Nakasimagot na nga ay nakabulyaw pa ang BG! Kaso ang Royal Highness o si Crown Prince Erick ay niyakap lamang mg mahigpit ang kaibigan. "I truly miss you, my friend. Although I knew that I've done you an unforgivable sin, it turned eventually for having a child. Kahit sabihin nating hindi kayo nagkatuluyan. Ngunit kung gusto mo ay hindi mahirap iyang gawin on behalf of my authority as Crown Prince and next in line to the throne," anito habang yakap-yakap siya. Kaya naman ay napaangat ang paningin niya. Actually, iginala ito subalit pagtango sa mga nandoon ang napala. "Alam namin ang tungkol doon, anak. Ngunit kayong dalawa ni Erick ang nararapat na mag-usap sa ngayon. Iyan ang bagay ma hindi ninyo matatakasan habang-buhay. Dahil bukod sa iisang bansa kayo, magkaibigan at higit sa lahat ay magbayaw. Ibig sabihin ay iisang pamilya," pahayag ni Ginang Cohen na kaagad ding sinundan ng anak na babae. "Yes, big brother. Kaya't maiwan muna namin kayo ng asawa ko. Doon kami sa sala upang mabantayan ang pagdating ng mag-ina. Don't worry, nandito ang mga ksaama natin kaya't madali lang ang pagbigay sa inyo ng signal kapag nandito na sila," anito. Kaya naman ay hindi na umangal ang magkaibigan bagkus ay tumango-tango sa lahat ng nandoon. SAMANTALA sa silid kung saan naroon ang mag-inang Samantha at Peter Henrik. "Mom, alam mo bang namimis ko rin si younger brother kahit ganoon siya sa akin?" pukaw ng huli sa inang abala sa kaharap na laptop. Dahil dito ay mas minabuti ni Samantha na isara ang laptop saka hinarap ang anak. "Isa lamang ang ibig sabihin niyan, anak. Hindi ka masamang tao kaya't mahal mo ang iyong kapatid sa kabila ng kagaspangan ng ugali. Maaring limitado pa ang pang-unawa mo sa kasalukuyan ngunit kapag nasa tamang gulang ka na ay ikaw mismo ang makasagot sa tanong mong iyan," pahayag niya rito. "Yes, Mommy. Ah, naalala mo pa ba iyong sinabi ko tungkol po sa dalawang mama na nakasalamuha ko sa company ni Uncle Alex?" patanong nitong tugon. "Yes, sweetheart. Pero bakit? Ano ang koneksyon nila sa pag-uusap natin ngayon?" balik-tanong niya. Kaso wala siyang natanggap na sagot mula rito dahil bukod sa umupo ito ng maayos ay tinanggal ang kuwentas. "Why, Hijo? Bakit mo tinanggal ang iyong kuwentas? Ibalik mo iyan sa iyong leeg dahil iyan lamang ang palatandaan natin sa Papa mo," maagap niyang sabi. Ngunit imbes na sundin siya nito ay umiling-iling kasabay ng pagbukas sa pendant ng kuwentas na hugis puso. Then... "Mommy, hindi po ako maaring nagkamali. Ang mamang ito ang kasama ng kausap ko kanina. Titig na titig po sa akin kahit hindi nagsasalita. Itatanong ko pa nga sana kung bakit ganoon na lamang po ang pagtingin sa akin subalit tinawag mo na po ako," saad nito. Kaya naman ay napatitig siya rito. Maaring hindi alam ng nakakarami ngunit kailanman ay hindi pumalpak ang kaniyang anak. Para sa kaniya ay isa itong henyo. Ngunit dahil ayaw din niyang malagay ito sa alanganing sitwasyon ay matalino lamang sng terminong ginagamit. "Kailan mo pa binuksan ang pendant, anak? Dahil sa katunayan ay hindi ko iyan binuksan mula noon," aniya. "Sorry po, Mommy. Ngunit gabi-gabi po. Sa tuwing bago ako natutulog ay binubuksan ko ito. Hawak-hawak ko po ito habang nagdadasal. Kako baka pagbigyan ako ni God na makita ko ang aking Papa dahil sa sensiridad ko sa pagdarasal. At kaninang hapon nga po ay nakita ko na siya," paliwanag nito. Tuloy! Naumid ang kaniyang dila. Tila nagkaroon ng packing tape ang kaniyang bibig dahil walang salitang nais manulas. Kaya naman ay niyakap niya ito ng mahigpit. "Anak, alam kong karapatan mong makilala ang Papa mo. Ngunit maari bang hayaan mo munang tapusin ng Mommy mo ang kasalukuyang problema? Ayaw kong paasahin ka ngunit hindi rin natin alam kung mayroon na itong sariling pamilya. Can you do it for me, son?" patanong niyang wika kasabay ng paghawak sa magkabila nitong pisngi. "Opo, Mommy. Huwag ka pong mag-alala dahil nauunawaan ko po ang nais mong sabihin. Nag-researched po ako sa laptop mo kakima habang naliligo ka, Mommy. Alam ko po ang ibig sabihin ng divorce. Kailangan n'yo pong maghiwalay ni Uncle Edward ng maayos. Tungkol po kay Papa ay acknowledgement mula sa kaniya ay sapat na po para sa akin. Kung mayroon na po siyang pamilya ay wala po tayong magagawa," saad nito. Kaya naman! 'Diyos ko, alam kong matalino ang aking anak. Pero sa mga sagot at pang-unawa niya sa mga bagay-bagay ay aminado akong nakakalula,' pipi niyang sambit. "Thank you, anak. May tiwala ako sa iyo kaya't wala na akong ibang paliwanag. Ibalik mo na ang iyong kuwentas at matulog ka na. Dahil bukas ay kailangan nating makausap ang Uncle Alex mo. Mabuti na lamang at wala kayong pasok." Hinaplos-haplos niya ang alun-alun nitong buhok. Kaso kung kailan nito naisuot muli ang kuwentas at nahiga na ay saka naman bumalik sa kaniyang ala-ala ang boses ng nakauna sa kaniya o ang ama ng anak. 'Please help me, Miss. I was drugged, but i will take responsibility of the outcome,' anito. 'Kung noon ko pa sana binuksan ang kuwentas ay baka noong nasa tahanan pa ako ng mga Cohen nalaman ang tungkol---Wait! Tama! Bakit hindi ko---' Kaso ang hindi magkandatutong isipan niya ay nabulabog dahil nagwika ang anak. "Sleep na rin po, Mommy. Ataw ko pong magkasakit ka dahil sa pagpupuyat. Dahil wala pong mag-aalaga sa akin kung ganoon. I love you, Mommy," nakapikit nitong sabi. Kaya naman ay pasimple niyang pinatay ang main light at hinayaan ang lampshade saka tumabi rito. "Mas mahal ka ng Mommy, anak," sabi niya saka ito niyakap. KINABUKASAN... "Welcome to the world, Miss Samantha Valderama. Wow! Aba'y akala ko ay mananatili kang bihag ng mga Carlsen." Masayang salubong ng baklitang si Alex sa kanilang mag-ina. "Tsk! Tsk! Nasa harapan ka ng anak ko, ny friend. Kaya't masri bang huwag kung ano-ano ang sinasabi mo?" nakangiwi tuloy niyang wika. "Sweetheart, doon ka muna kay Minerva sa kusina. May pag-uusapan muna kami ng Mama mo na hindi kaaya-aya sa iyong pandinig." Nakatawa pa nitong baling sa anak. 'Ang baklitang ito ay nawalan na naman ng preno ang bibig! Makakalbo na talaga kita!' 'Gawin mo na, sister, habang may oras ka.' Nakangisi pa nitong ganti na halata namang nang-aasar. Tuloy! Napataas ang kaniyang kilay. "Sige po, Uncle. Puwede pong magpaluto ng food? Hmmm... Nagugutom po ako," wika ng anak habang nakatingala sa kaibigang tuwang-tuwa Kaya naman ay tuluyan na siyang napangiwi. Kaso muli ay nagwika ang mapang-asar niyang kaibigan. "Sure na sure, anak. Mas matutuwa ang Ate Minerva mo kapag may maipagawa ka sa kaniya. Tell her what kind of food you want to eat. Go now, child." Pagtataboy pa nito. "Thank you, Uncle." "Mommy, maiwan ko po muna kayo ni Uncle." Pinaglipat-lipat pa nito ang paningin sa kanilang magkaibigan. Ngunit tanging ngiti at pagtango ang isinagot. MAKALIPAS ng ilang sandali. Nang nawala na ito sa kanilang paningin ay muling nagwika si Samantha. "I need a lawyer, my friend. Alam kong marami kang kakilala kaya't sigurado akong may makukuha tayo agad-agad," aniya. "Sure, my friend. Tungkol ba sa divorce? Kung ako sa iyo ay huwag mong madaliin. Tama, gustong-gusto kong maghiwalay na kayo ng manlolokong iyon. Ngunit kailangan mo ang ebidensiya laban sa kaniya na maging dahilan ng paghihiwalay ninyo. Or let's say, it will be better if mutual divorce," pahayag nito. Dahil dito ay natigilan siya lalo at nadali nito ang hindi sumagi sa kaniyang isipan. "Sa katunayan ay hindi sumagi sa aking isip ang tungkol sa ebidensiya, my friend. Dahil ang sa akin ay makipaghiwalay kami ng legal ay okay na. At isa pa, nandoon naman si Annie at ito ang pinakamalaking ebidensiya at rason ng paghihiwalay naming mag-asawa," sabi niya makalipas ng ilang sandaling pananahimik. Subalit mas nagtaka siya dahil umiling-iling ito samantalang nasabi na nitong ito ang mas matutuwa kapag maghiwalay na silang mag-asawa. "Hindi sapat ang nandoon si Annie, my friend. Dahil kapag deny nilang lahat ay wala ring saysay. It will turn into backfire. Kaya't kako habang hinihintay mo ang proseso ng divorce ninyong mag-asawa ay gawin mo rin ang nararapat. Huwag kang mag-alala dahil tutulungan kita sa abot ng aking makakaya," anito. "Alam ko, friend. Kahit hindi mo iyan sabihin. Dahil tinalikuran at itinakwil ako ng sarili kong pamilya. Nawala sa imahe mo ng halos dalawang taon ngunit nagawa mo akong hinanap bagay na ikaw lamang ang gumawa. Ngunit ang tanong ay paano? Noon pa man st alam kong may ibang relasyon ang dalawa. Subalit wala akong makuha-kuhang ebidensiya ay nanatili aong tahimik. Bukod sa panunulsol sa mga in-laws, asawa at anak ko ay wala na," muli niyang paliwanag. "My friend, legal kayong mag-asawa. Ibig sabihin ay may karapatan kang bumalik sa bahay ng asawa mo. Or turn the table in the other way around. Six to seven months ang proseso ng divorce sa ating bansa. Ngunit kung may kakilala ka lang sana sa royal family ay mas mapadali. Sa loob ng anim na buwan ay imposibleng wala tayong makukuhang lead. At kung papalarin tayo ay eksaktong matapos iyan sa pagbubukas ng panibagong branch ng restaurant natin." Nagde-kuwatro itong humarap sa kaniya. Sa muli nitong pahayag ay unti-unting sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. "Well, wala na akong maidagdag dahil naipaliwanag mo na ang lahat, my friend. Let's do that way. At sisiguraduhin kong pagsisisihan nilang lahat ang pang-aalipusta sa aming mag-ina. Again, thank you very much. Hindi ko alam kung saan kami pupuluting mag-ina kung wala ka---" "Tsk! Tsk! Maari bang huwag kang magdrama, babae ka---" Kaso kung pinutol ng baklita ang pananalita ni Samantha ay hindi rin nito natapos ang panunupla sa kaniya. Dahil bumalik ang kaniyang anak. Ayon dito ay ipijapatawag na sila ng taga-luto. Kaya naman ay para silang nga batang naghabulan. DUMATING ang pinakahihintay na araw para may Aiza Garcia. Ang kasal sa youngest Brigadier General sa kanilang henerasyon. Kaso! Pagbukas pa lamang ng kurtinang nagsilbing pintuan sa resorts kung saan gaganapin ang kanilang kasal ay sumalubong na ang hindi inaasahang pangyayari!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD