CHAPTER 33

2456 Words

IYA "Kuwento n'yo ba 'yan ni Rohan?" Natigil ako sa pagtitig ko sa kawalan nang marinig ang boses na iyon ni Yllak. Nang lingunin ko siya, mataman siyang nakatitig sa monitor ng laptop ko. Right, nagta-type nga pala ako ng novel ko, pero nakatulala lang ako dito kaya nakita at nabasa siguro ng lalaki ang kuwento na naka-open sa screen. "Hindi namin 'yan kuwento," sagot ko bago kinuha ang baso ng frappe ko at humigop doon gamit ang straw. "Makulit at madaldal ang babae. Then, masungit at suplado naman ang lalaki. Magaling din magluto at French cuisine ang expertise. Rated SPG ang scene. Hindi ba kayo 'yan?" Nasamid ako at naubo dahil sa sinabing iyon ni Yllak. Naramdaman ko naman ang marahang paghagod ng palad niya sa likod ko. "Easy, Iya." "Inspired lang ang male character ko sa kan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD