ROHAN I think Iya was avoiding me. No. I know she was avoiding me. After the passionate kiss we shared two days ago, she started to avoid me. At iyon ang hindi ko maintindihan. Hindi siya pumupunta sa TSC at balik fast-food na naman siya sa madaling-araw. Nang katukin ko nga siya sa loft niya kagabi ay may kung anong kabaliwan na naman siyang ginawa. Dahil hindi niya sinasagot ang tawag at text ko, pinuntahan ko na siya. Hindi ko talaga tinigilan ang pagkatok sa pinto niya dahil alam kong nandoon lang siya at nagkukulong. Balak ko na sanang sirain ang pinto nang bigla siyang magsalita mula sa loob. Oo, alam kong siya iyon. Kahit inipit niya ang boses niya para magmukhang iba ang tunog, alam kong siya pa rin iyon. "Walang tao! Wala dito ang taong hinahanap mo! Lumipad na papuntang Mar

