IYA Naalimpungatan ako sa maingay na tunog ng phone ko. Nakapikit na kinapa ko iyon sa bedside table ko at dinampot. Hindi na ako nag-abala pang tingnan kung sino ang istorbong tumatawag sa akin. "The number you have dialed is currently unavailable. The person is still sleeping and don't want to be disturbed by you. Please contact her later," nakapikit at inaantok na sabi ko sa taong kausap ko. "Bumangon ka na. Tanghali na." Pamilyar ang tinig na iyon ng lalaki, pero hindi ko lang matukoy kung kanino. "Kung sino ka mang istorbo ka, wala kang paki kung hapon, gabi, bukas o sa isang linggo pa ako bumangon." Kapag ganitong may umistorbo sa tulog ko at inaantok pa ako ay disoriented talaga ako sa paligid ko at nakakapagtaray ako, regardless kung sino pa iyon. Tsk. Maaga naman akong natulo

