PART 14

547 Words

Alinlangang pumasok si Lena sa malaking gate ng mansyon. Nasa likuran niya si Hanna at Steffany. Ayaw na sana niyang pumasok pa pero naghinayang siya sa sahod. Isa pa, sayang naman 'yung isang linggo niyang pinaghirapan dito sa mansyon. Ilang linggo pa ay sasahod na siya at malaking tulong niya 'yon sa asawang si Daniel na hanggang ngayon ay wala pa raw nahahanap na trabaho sa Maynila. "Ate, sigurado ka bang kaya mo pang manilbihan diyan? Baka biglang magpakita ulit sa'yo 'yung multong donya?" ani Hanna na takot na takot pa rin. Pilit niya na ngumiti. Pinatatag niya ang sarili. "Hindi naman na siguro, kasi kasama ko naman kayo. Huwag lang kayo lalayo sa'kin, ha?" Dikawasa'y napakunot ang noo niya nang mapatingin siya sa anak na si Steffany. May kinakawayan kasi siya sa bandang bahay n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD