PART 15

1245 Words

"Dito niya ako pinatay," muling wika ni Edna na nasa loob ng katawan ni Steffany. Nakatalikod pa rin ito kina Lena at Hanna. "Si-sino? At... at... ba-bakit?" nahihintakutang tanong ni Lena. Magkawak sila ng kamay ni Hanna. Matindi man ang takot nila ay hindi nila magawang ipaubaya ang katawan ni Steffany sa multo. Hindi nila ito pwedeng iwanan. At halos himatayin na talaga ang dalawa nang dahan-dahan ang pagpihit ng ulo ni Edna paharap sa kanila, as in ulo lang! Tulad ng mga napapanood sa tv na nasasaniban! Nakakatakot! "Eeiiiiihhhhhh!" tili ng malakas ni Hanna, muntik nang nagtatakbo ang dalaga palayo pero pinigilan ito ni Lena. At kahit nangangatal din sa mas matindi pang takot si Lena ay pinatatag niya ang sarili, kahit gaano ang takot niya sa batang multo ay hindi pa rin nawala s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD