MAKALIPAS ANG ISANG TAON, naka-graduate na si Ginger sa kursong Business Management Major in Marketing and Advertising. Natapos niya na rin ang internship at on-the-job training sa Greenword Advertising Firm bilang marketing staff. Ngunit hindi sa lahat ng oras ay aayon ang tadhana sa panahon. Harold Greenwood is battling with illness at hindi na nito kayang gampanan pa ang pagiging chairman ng kumpanya. Matapos ang masigasig na pagte-training ni William sa sister company ng Greenwood sa Amerika ay handa na siyang patakbuhin ang kanilang negosyo. Sa loob ng isang taon, with Ignacio’s direct supervision ay naging matino at workaholic si William. Monitored ng kaniyang Tiyo Iggy ang lahat nang galaw niya mula pagpasok sa trabaho hanggang kung saan siya pumupunta. He was like a convict re