BIGLANG NA-REALIZE NI GINGER na naka-T-shirt nga lang pala siya matapo siyang tanongin ni William. Sobrang comfortable kasi ng damit ni William na parang mini dress iyon. Wala nga rin pala siyang brassiere. Dinampot ni Ginger ang kaniyang backpack at madaling pumasok sa bathroom. Nagpalit siya ng damit at sinuot ang denim ragged shorts at black ruched cropped top na dala niya. Hapit sa kaniyang katawan ang mga ‘yon. Inayos niya rin ang kaniyang buhok. Naka-bun na ‘yon at kitang-kita ang makinis niyang batok nang lumabas siya sa banyo. “Ibabalandra mo ’yang katawan mo sa lahat ng tao?” “Ano ba’ng pakialam mo? Kapag nakasaya ako, ang sabi mo para akong manang. Ngayon naman liberated na ang pananamit ko at nakasunod na sa uso, nagagalit ka pa rin? Ano ba’ng dapat isuot ko?” “Ano—“ Natigil