HINDI NAKATAKAS SA mga mata ni William ang pagsulyap ni Ginger sa kaniya. Kapagkuwan ay nakayokong tinawan siya nito. Dahan-dahan na bumalik si William sa kaniyang puwesto. Nang makaupo ay masayang nilingon ang tiyahin. “There is nothing wrong with my OOTD, Tiya Almira,” ani William. “OOTD?” “Outfit of the day, Tiya. Get up, like what you said. I modeled this pair in New York. I don’t think it’s baduy.” “Magpalit ka ng damit mo matapos nating mag-agahan. Kompanya ang pupuntahan mo, Will, hindi barkada. Even though janitor ang trabaho mo. You must look presentable. Hindi kagaya niyang suot mo,” turan ni Almira na malaki ang pagkadisgusto sa suot ng pamangkin. “Tiyo Iggy said hindi ko kailangan magpostura.”