Nabalisa si William sa kaniyang itsura. Naihalamos niya ang kaniyang mga kamay sa kaniyang mukha at wala sa sariling na isuklay ang kaniyang daliri sa kaniyang buhok. Then, he stared at Almira,”why Tiya Almira, do I—” “Natulog ka ba?” tanong ni Almira kay William. “Yeah, I sleep, Tiya Almira. I slept here last night. Sa salas.” “Dito ka natulog? Ba’t hindi ka pumanik sa kuwarto mo sa taas? Ba’t ka sa salas natulog?” Nakaupo na si Almira habang si William ay nakatayo pa rin malapit sa pintuan ng kusina. Si Ginger naman ay abalang nagtimpla ng kape. “Magandang umaga, Mama. Mas maganda ka pa sa umaga,” bati ni Ginger kay Almira habang sinasalinan ng kape ang tasa nito. “Alam ko na ’yan, Anak. Beauty queen yata ang Mama mo. Magandang umaga naman sa napakaganda at seksi kong anak.” “Ma,